LOVELY, labis ang pasasalamat kay KATHRYN sa bonggang wedding gown; basher, tinawag na ‘user’
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
LABIS-LABIS nga ang pasasalamat ni Lovely Abella kay Kathryn Bernardo dahil sa napakagandang regalo na natanggap niya, dalawang araw bago sila ikasal ni Benj Manalo noong Sabado.
“Sobrang Thank you My Ga and Ga @janaranilla sa time and effort, Thank you so much @bernardokath sa napakagandang Gift buti na lang naihabol, salamat super @bernardokath #benly,” post ni Lovely.
May isa namang walang magawang basher na nag-comment ng, “Panay comments sya post ni kath kasi may kaila my ga galawan ng user.”
Na hindi napigilang patulan ni Lovely, ‘di raw siya galit lalo na sa masasama ang ugali kaya si Lord na bahala at sumabad na rin ang asawa niyang si Benj kaya nasabihan tuloy silang guilty at mayabang.
Payo naman ng solid fans ni Kath na dedmahin na lang ang bashers at wag ng pag-aksayahan ng oras. Ang iba naman ay nahihiya para kay Kathryn, na totoo talaga kung makipagkaibigan.
Nagkalapit nga sina Kathryn, Alden Richards at buong cast ng blockbuster film Hello, Love, Goodbye habang nagso-shooting sa Hong Kong at nagkaroon sila ng pact na mananatiling magkakaibigan kahit tapos ang pelikula.
Pero ang ending, nag-away-away ang mga fans sa kanyang IG account at kung kani-kanino na napunta ang usapan.
Nag-post uli si Lovely after two days at nang kanyang saloobin…
“Heto muna ang ipopost ko, before anything else.. Grabe pala ang bashers noh? Nandudurog ng puso, di mo alam kung sino at anong klaseng tao sila para manghusga..
“Bago ako magsimula sa industriya di ko pinangarap ang sumikat, pinangrap kung buhayin ang Anak ko at pamilya ko dahil breadwinner ako, sadyang mabait nga talaga siguro ako tulad ng sinasabi ng iba kasi lahat ng mababait na tao nakakasama ko, siguro hindi ko hinayaang itago kung ano ang pagkatao ko.”
“No filter ako sabi nga nila, kung ano ang ugali ko yun ang totoo kahit sa mga VLOGS namin kaya magsubscribe na din kayo @stephtancouture.”
Dagdag pa niya, “sabi ko My Ga wag na ako na, pero sabi niya regalo daw niya, wag tayong tumatanggi sa blessings yan ang natutunan ko kasi yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila maBlessed kaya sabi ko buti NAIHABOL kasi 2 days na lang kasal ko na.
“Di ko kailangan magpaliwanag sa inyo, pero gusto ko lang sabhin na tulad ninyo tao din kami, nasasaktan sa panghuhusga ninyo, masakit pero siguro nga kailangan tanggapin dahil nasa industriya ako, pero wag kayong ganun, di niyo alam ang mga kwento kaya wag kayong manghusga..
“Saksi ang aking mga kaibigan na sina @pernellagonzaga at @kelly.harris_ kung gaano ako inalagaan ni kath para gumanda ako sa mismong kasal ko, siya ang nag detalye ng Gown ko at talagang sinama ni si @janaranilla para icheck lahat kung okay sa akin, salamat sa time and effort Ga, humabol pa yan para lang makita niya kung fit sa akin at maganda sa akin kaya MY GA @bernardokath Thank you for everything, salamat sa mabuti mong PUSO, di ko makakalimutan ang regalo mo at kung di dahil sayo, baka wala akong maisuot.. Mahal kita kayo ni Bal.. #ManalonasiGa #benly.”
Nagpasalamat si Lovely sa comment ni @mirandaomez888, “Di q alam anung nangyayari. But on behalf of KATHNIEL congrats ga. Deserve moh nah maging friens c Kath. Dito lang kme para sau.”
Infairness ang ganda ng gown na pina-rush ni Kathryn, kaya muli na namang nagpasalamat si Lovely, “Super Happy ako sa kinalabasan ng Wedding Gown ko, Thank you so much @stephtancouture kahit 2 days lang ginawa super Ganda ang ganda ng fit.. Thank you @bernardokath @janaranilla di ko makakalimutan ang nilaan niyong pagmamahal sakin.. salamat ng marami.. Sobrang bumagay ang Bouquet ko from @ginger_eventstyling, and Thank you @toniaviles naachieve natin ang gusto kung look and @moster_manilyn sa mabilisan nating hair up.. Thank you sobra..” (ROHN ROMULO)
-
Nag-pre-med na pero pinatigil para sa business course: RICHARD, natupad na ang pangarap na maging doktor kahit sa pag-arte lamang
PANGARAP pala noon ng aktor na si Richard Yap ay ang maging isang doktor. Sa latest episode ng online podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, ibinahagi ni Richard ang kanyang dream noon na maging isang neurosurgeon. “I wanted to be a neurosurgeon when I was younger, and I actually took up pre-med […]
-
Speaker Romualdez tiniyak na muling bibigyang-diin ng PH delegation sa WEF 2024 ang mensahe ni PBBM
TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na patuloy na igigiit ng Philippine delegation sa 2024 World Economic Forum (WEF) ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pulong noong nakaraang taon na bukas ang Pilipinas para sa negosyo at ito ang pinaka-akmang lugar sa rehiyon para maglagak ng puhunan. Sinabi ni […]
-
AIMAG kanselado
INIHAYAG ng Olympic Council of Asia (OCA) ang kanselasyon ng 6th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) na idaraos sana sa Nobyembre sa Thailand. Dismayado si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino lalo pa’t naghahanda ang Pinoy athletes sa pagsabak nito sa AIMAG. Ngunit kailangan nang mag-move in […]