Loveteam nila puwede i-compare kina Guy and Pip: BARBIE, ngayon lang nakita na cute ang mga daliri sa paa ni DAVID
- Published on September 19, 2023
- by @peoplesbalita
KAHIT matagal silang nagkasama sa Maria Clara At Ibarra ay may mga nadiskubre pa rin si Barbie Forteza kay David Licauco sa muli nilang pagsasama sa ‘Maging Sino Ka Man’ na umeereng teleserye ngayon ng GMA.
“Ako, na-discover ko kay David na ngayon ko lang din na-realize, ever since pala kasi na magkatrabaho kami, never siyang nag-tsinelas!
“So, dito sa Maging Sino Ka Man, since lagi siyang naka-tsinelas, nun ko lang nakita yung mga paa niya, ang cute pala ng daliri niya sa paa,” at tumawa si Barbie, “malinis, tsaka neat, yun.”
Sinabi ni ER Ejercito, na co-star sa serye, na si Barbie ang next Nora Aunor o Vilma Santos, at ang loveteam raw nila ni David ay maihahalintulad sa tambalan noon nina Nora at Tirso Cruz III na Guy and Pip?
“Grabe naman po yun, Gov,” ang unang reaksyon ni Barbie sa sinabi ng dating Gobernador ng Laguna.
“Paano ko ba sasagutin ‘to? Naku po, dalawa po yun sa pinaka-iniidolo ko po sa industriya natin, so siguro po nagpapasalamat na lang po ako dahil sa isang very iconic actor like Gov na mapansin po yung trabaho ko is such a fulfilling moment for me, enough na po yun, masyadong na pong mataas ang Ms. Nora at Ms. Vilma.
“I’m just happy na some of our respected actors today ay napapansin ang trabaho natin, yun na lang po, maraming salamat po.”
***
SA mga hindi nakakaalam, bukod sa pagiging aktres sa telebisyon, pelikula at teatro ay isang drama teacher si Pinky Amador.
“At this point in my career where I need to be giving back, that’s where you find the satisfaction. “That happened when I started teaching. I became head of the drama department of Mint College [2011 -2015].”
Lumipat si Pinky sa Thames International kung saan kumuha siya ng kursong Innovative and Creative Enterprise at nagturo ng Basic Acting and Performance Arts.
“In the pandemic, all our income dropped, if not vanished, teaching buoyed me up.
“I was able to form my own start-up [Amador Creative Concepts]. I give workshops to groups, individuals, organizational workshops. I am teaching basic acting and performance arts.
“We are a mission-based cultural, educational workshops to companies, organizations and individuals.”
May speaking engagement si Pinky, sa ilalim ng kanyang Amador Creative Concepts, bilang resource person at lecturer sa Likha Creative Summit sa September 21 sa Crowne Plaza Hotel.
Nagtuturo rin siya ng Theater Acting matapos kumpletuhin ang kanyang Master’s Degree in Theater sa United Kingdom sa pamamagitan ng isang scholarship mula sa British Council.
Nag-aral rin siya sa Bristol Old Vic Theater School na affiliated sa University of West England.
Ang namamahala ng showbiz career ni Pinky ay si Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit.
Si Pinky ay sikat na kontrabidang si Moira sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
LTO bibili ng breath analyzers sa pagtugis sa mga lasing na driver
HANDANG bumili ang Land Transportation Office (LTO) ng dagdag na breath analyzers para sa kaligtasan ng lahat ng motorista sa bansa. Ang naturang breath analyzers ay para sa full implementation ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Sa pamamagitan ng naturang analyzers ay madalian nang madedetermina ang isang motorista na lango sa […]
-
Mas nakakikilig at nakaaaliw ang programa: BOOBAY at TEKLA, patuloy na nagpapalaganap ng good vibes
TALAGA namang tilian ang mga Kapuso fans at volleyball enthusiasts sa maaksyong GMA NCAA All-Star Volleyball Games hatid ng GMA Synergy na ginanap noong April 23 sa FilOil EcoOil Center, San Juan City. Nanalo ang Team Saints sa parehong Men’s at Women’s Division na kinabibilangan nina Sparkle stars Carlo San Juan, Prince Clemente, […]
-
Nagtahan exit ramps ng Skyway 3 binuksan
Binuksan noong nakarang Huwebes ng San Miguel Corp. (SMC) ang Nagtahan northbound at southbound exit ramps ng elevated Skyway Stage 3. Sa pamamigitan ng northbound at southbound exit ramps ang mga motorista ay maaari ng dumaan papuntang Sta. Mesa at iba pang lugar deretso na sa Manila. Ayon kay SMC president […]