• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LOVI, hesitant noong una pero dahil kakaiba at ‘acting piece’ kaya tinanggap ang ‘The Other Wife’

MARAMI na tayong nasaksihan na mga pelikula tungkol sa pagtataksil pero magbabago ang pagtingin ng viewers sa ‘baliw na pag-ibig’ sa latest offering ng VIVA Films, ang The Other Wife.

 

 

Muli itong pagtatambalan ng award-winning actors na sina Lovi Poe at Joem Bascon, kasama ang versatile actress na si Rhen Escaño.

 

 

Iikot ang kuwento ng The Other Wife kina Janis (Lovi) at Ronnie (Joem), ang mag-asawang gustong ayusin ang kanilang pagsasama. Upang ayusin ito, nagbakasyon sila sa kanilang beach house.      Darating naman si Luisa (Rhen) sa beach house, kababata ni Ronnie. Sa unang araw pa lang nila sa beach house ay may mga kakaiba ng pangyayari, gaya ng isang babaeng nakikita ni Janis na hindi naman niya kilala.

 

 

Napapansin din ni Janis na parang may ibang gumagamit ng kanyang mga gamit gaya ng hairbrush at sabon. Ngunit pinipilit ni Ronnie na sila lang talaga ang tao sa beach house.

 

 

May kasama ba silang ibang babae sa bahay na pilit inililihim ni Ronnie?

 

 

Mula sa direktor ng hit contemporary movies na Ang Manananggal Sa Unit 23B, Isa Pa With Feelings at Sleepless na si Prime Cruz, kakaibang sexy-thriller film ang inyong mapapanood at hindi rin ito ordinaryong affair movie.

 

 

Say nga ni Lovi, “It’s not an affair movie. Ang hirap i-explain kung bakit kasi ayoko pong i-spoil. I can’t wait for you guys to see it because I practically gave my all here.

 

 

“I didn’t hold back. Medyo na-stress nga ako eh. I am excited for people to watch it.”

 

 

Dagdag pa niya, “It’s a psychological thriller. When I saw the script, I thought it was another ‘affair’ movie and I needed to step back, kasi I’ve done a lot of those. Parang I keep doing the same thing. I was a bit hesitant.”

 

 

Pag-amin pa niya, “But when I read the script, lahat ng naisip ko hindi nangyari sa pelikula. It’s an acting piece. That’s the reason bakit ko ito tinanggap.”

 

 

Malaking challenge sa kanya na gawin ang love scenes nila ni Joem lalo na ngayong panahon ng pandemic, pero nagtiwala na lang siya kay Direk Prime at base sa mga nakapanood na, maganda ang kinalabasan at nabigyan naman niya ang justice ang role.

 

 

Pahayag pa ng mahusay na aktres, “The challenge for me is to give it justice. The role for me is hindi biro. I on my toes and talagang I want to be in sync with my director. It’s a different character and I want to give it justice.”

 

 

Mababaliw ka sa pag-ibig at mababaliw ka sa suspense na hatid ng The Other Wife na exclusive na napapanood sa VIVAMAX na agad na nag-number one simula ng mag-streaming ito noong July 16. Puwede din mapanood sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV.

 

 

Mas pinarami na rin ang paraan para mag-subscribe sa VIVAMAX! Mag-subscribe gamit ang VIVAMAX app. Sa halagang P149, maaari ka nang mag watch-all-you-can for 1 month o P399 para sa tatlong buwan para mas sulit, at pwede kang magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account.

 

 

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

 

 

Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

 

 

Mas marami at mas madali na ang mag-scubscribe sa VIVAMAX, kaya naman, #SubscribeToTheMax na! Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • WALONG TULAK HULI SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON NG QCPD

    HULI  ang walong tulak ng shabu matapos ang ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD).     Kinilala ni QCPD Director P/BGen Danilo Macerin ang apat na nadakip ng Fairview Police Station 5 na sina John Mark Ortega, 29, Orlando Vidal, 47,na pawang nasa  drug listed personality ng Brgy. Sta. Lucia […]

  • Pamahalaan walang balak gawing pribado ang NAIA

    Walang balak muna ang Marcos administrasyon na ibenta o maging pribado ang pamamahala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit na may ginagawa at tinatayong tatlong paliparan na malapit sa Metro Manila.       “The government will maintain NAIA as the country’s primary gateway as it intends to use airports around Metro Manila as […]

  • Mga Pinoy, ‘sick and tired’ na sa pagkahati-hati- analyst

    NAPANATILI ni Presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang malaking kalamangan sa presidential race polls dahil sa kanyang “simpleng” nilalayon na itindig ang pagkakaisa.     Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Dr. Froilan Calilung, nagtuturo ng political science sa University of Santo Tomas (UST), na mas pinalalim ng halalan ngayon taon ang […]