• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRMC magbibigay ng libreng shuttle service sa pasahero ng LRT1

MAGBIBIGAY ng libreng shuttle service ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1).

 

Ayon sa LRMC, ang pilot implementation ng libreng shuttle service ay magaganap sa pagitan ng estasyon ng LRT 1 EDSA at Manila Bay ASEANA area kung saan magkakaron ng mga designated loading at unloading points sa kahabaan ng Macapagal Boulevard hanggang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

 

Naging partner ng LRMC ang Global Electric Transport (GET) na isang emission-free transport system.

 

“GET will provide its extensive experience in the operations of an integrated passenger and fleet management system for the shuttle service to benefit LRT 1 passengers,” wika ng LRMC.

 

Ang nasabing shuttle service ay magtatampok sa isang Community Optimized Managed Electric Transport (COMET) mini-buses na siyang gagamitin upang magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng LRT 1.

 

“At LRMC, we are always on the lookout on how we can better service our passengers and make their commute more convenient. LRT 1 passengers will also get to enjoy the first end-to-end emission-free transport system in the Philippines, as both LRT 1 and COMET help in reducing carbon footprint,” saad ni LRMC president at CEO Juan Alfonso.

 

Ang COMET electric mini-buses ay may kapasidad ng 30 pasahero at makakapaglakbay ng higit pa sa 100 kilometro sa isang single full charge. Ito ay air-conditioned, fully electric at may on-board cameras, media system, display monitors, internet connectivity at wheelchair slot at electric ramp para sa mga persons with disabilities (PWDs).

 

Magkakaron rin ito ng ikalawang bahagi kung saan ang ruta ay pahahabain galing sa estasyon sa EDSA-Taft papuntang Makati Central Business District (MCBD). Magsisimula ang operasyon ng 4:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado maliban kung holidays.

 

“We are excited to be partnering with LRMC to be able to provide green and affordable transport solutions to every Filipino,” dagdag ni GET Worldwide chairman Tony Olaes.  LASACMAR

Other News
  • Dingdong, happy and honored na muling maging brand ambassador

    “HAPPY at honored po ako sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakararanas ng pandemya, it makes me grateful,” pahayag ni Dingdong Dantes na pormal ng inanunsiyo bilang brand ambassador ng pinagkakatiwalaang pain reliever brand sa Pilipinas.   Ang brand manager ng Medicol […]

  • Kamara tiniyak patuloy na tututukan ang presyo ng pagkain – House agri panel chair

    TINIYAK ng House committee on agriculture and food na tuloy tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural.     Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder kung […]

  • Public transportation, maaaring payagan sa panahon ng two week-ECQ-Padilla

    MAAARING payagan pa rin ng pamahalaan ang public transportation sa panahon na ipinatutupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa vaccination program.   Sinabi ni National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na target kasi ng Kalakhang Maynila na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw sa gitna ng pinahigpit […]