• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT-1 tigil biyahe sa Disyembre 3-4

INIANUNSYO kahapon ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na ititigil muna nila ang pagbiyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Disyembre 3, Sabado, at Disyembre 4, Linggo,

 

 

Sa abiso ng LRMC, na siyang private operator ng LRT-1, pansamantalang sususpindihin ang operasyon ng rail line sa susunod na weekend upang bigyang-daan ang reintegrasyon ng LRT-1 Roosevelt Station sa 19 pa nitong operational stations mula Baclaran, sa Parañaque City hanggang sa Balintawak sa Quezon City.

 

 

Ayon sa LRMC, magsasagawa sila ng readiness tests, trial runs, at exercises sa linya ng LRT-1 upang ma-check kung maayos ang integrasyon ng Roose­velt area sa ilalim ng bagong Alstom signaling system.

 

 

Sa sandaling matiyak na katanggap-tanggap ang resulta ng isasagawa nilang operational exercises sa linya, target ng LRMC na maibalik ang commercial operation ng LRT-1 mula Baclaran Station hanggang LRT-1 Roosevelt Station sa Disyembre 5, Lunes.

 

 

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni LRMC chief operating officer Rolando Paulino III ang kanilang mga parokyano na pla­nuhin na ang kanilang biyahe para sa susunod na weekend at manatiling nakatutok sa mga updates sa pagbabalik ng kanilang operasyon.

 

 

Tiniyak din niya na ang pansamantalang inconvenience na kanilang mararanasan ay magreresulta naman sa mas mahabang benepisyo para sa mga commuters.

 

 

“We assure the public that once reopening is confirmed, LRMC is ready to serve our LRT-1 passengers adding Roosevelt Station to our existing ope­rational stations,” aniya pa.

 

 

Una nang isinara ang Roosevelt Station simula noong Setyembre 5, 2020 dahil sa konstruksiyon ng Common Station na idurugtong doon.

 

 

Ang Common Station o Unified Grand Central Station (UGCS), ay ang proyekto ng gobyerno na naglalayong ikonekta sa isa’t isa ang mga sistema ng LRT-1, Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), at Line 7 (MRT-7) para mapadali ang paglipat ng mga commuters sa mga naturang rail lines.

Other News
  • Meron silang maiinit na mga eksena ni Polo: ROB, first time ma-encounter ang role na lover ng isang gay

    NAGBABALIK ang Team Jolly nila Sofia Pablo and Allen Ansay sa bagong offering ng #SparkleU titled ‘#Ghosted.’       This time ay hindi kilig-kiligan ang AlFia loveteam dahil sa tema ng episode na tungkol sa isang multo na nakaapekto sa mental health ng isang student.       “Pinaghiwalay po kami ni Direk Barry […]

  • Mental health problem ni CHYNNA, nagsimula noong pumanaw ang ama; nagpapagaling na sa matinding pagpayat

    MARAMI ang nabahala sa biglang pagpayat ng katawan ni Chynna Ortaleza.         Sa post nito sa Instagram, inamin nito ang pagbagsak ng timbang niya mula 109 to 86 pounds kahit na hindi siya nagda-diet o nagwu-workout.     Bukod sa kanyang iniindang gut problem, nakadagdag pa raw sa pagpayat ni Chynna ay ang […]

  • PDu30, wala pa ring napipisil na susunod na PNP chief

    HANGGANG sa kasalukuyan ay wala pa ring napipisil si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) na magiging kapalit ni outgoing police chief Gen. Guillermo Eleazar.   “Wala pa po. Ako naman po ang tagapag-anunsiyo kung meron man. So sa akin po manggagaling ang impormasyon na iyan ,” ayon kay Presidential Spokesperson […]