• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT 1 walang operasyon sa Dec. 3 – 4

SUSPENDIDO muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 simula sa Dec.3 hanggang Dec. 4 upang bigyang daan ang reintegration ng istasyon sa Roosevelt sa buong linya.

 

 

Ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang nagbigay ng anunsiyo ng suspensyon ng operasyon.

 

 

“LRT 2 has to be closed for two days to allow for the reintegration of the Roosevelt station with the 19 stations of the railway. We will also conduct readiness tests, trial runs and rail exercises to check the viability of reactivating the northernmost station of the LRT 1,” wika ni LRMC chief operating officer Rolando Paulino III.

 

 

Gusto munang malaman ng LRMC kung paano ang istasyon sa Roosevelt ay gagana sa ilalim ng bagong signaling system. Kapag nakita na ang resulta ng test runs ay acceptable, may plano ang LRMC na magsimula ng commercial operations sa Dec. 5 mula sa istasyon ng Baclaran hanggang sa istasyon ng Roosevelt sa Quezon City.

 

 

Kaya pinapayuhan ang mga pasahero na magplano muna ng kanilang mga lakad dahil sa disruption ng operasyon na siyang magiging dahilan ng pagsasara ng LRT 1.

 

 

“We assure the public that the weekend closure of the LRT 1 will result in long-term benefits for commuters,” dagdag ni Paulino.

 

 

Noong September 2020, sinara ng LRMC ang estasyon ng Roosevelt upang bigyan daan at pagkakataon ang pamahalaan para sa pagtatayo ng P3 billion the Unified Grand Central Station.

 

 

Ang common station ay inaasahang magdudugtong sa LRT 1, Metro Rail Transit Line 3 at MRT 7.

 

 

Nabago ang timeline ng pagtatayo ng common station dahil sa mga setbacks na naganap ng panahon ng COVID lockdowns. Kung kaya’t naantala ang muling pagbubukas ng istasyon sa Roosevelt na ang operasyon ay naging Baclaran hanggang istasyon ng Balintawak sa Quezon City lamang.

 

 

“We advise commuters to stay tuned as we conduct these readiness tests along LRT 1 and be updated on the status of the Roosevelt reopening. We assure the public that once the reopening is confirmed, LRMC is ready to serve passengers, adding Roosevelt station to our existing operational stations,” saad ni Paulino.

 

 

Sa kabilang dako, binalita ng Department of Transportation (DOTr) na malapit ng matapos ang overhaul ng 72 train cars ng Metro Rail Transit Line 3. Mayron ng 69 na rehabilitated units ang natapos gawin mula sa kabuuang 72 train cars.

 

 

“All in all, just three of the 72 trains of the MRT 3 are undergoing repairs as part of our maintenance program,” wika ng DOTr.

 

 

Sinabi ng MRT 3 management na kailangan ang mga train cars na sumailalim sa maintenance upang marepair ang systems na nasisira dahil sa araw-araw na operasyon. Nagkaroon din ng checking ng speed at quality ng mga overhauled trains bago pa ito dalhin at gamitin sa rail line.

 

 

Sa ngayon ay mayroon ng 20 trains kada araw ang umaandar upang mapagkasya ang dumadami at lumaking rider ship lalo na ngayon na may face-to-face ng classes at iba pang on-site activities.

 

 

Naitala ng MRT 3 na tumaas ng 38 porsiyento ang ridership kung saan ito ay may 4.4 million kumpara sa 31.8 million na ridership noong 2020. Noong nakaraang March ay natapos ng DOTr ang rehabilitation ng MRT 3, dalawang buwan ahead sa target date.

 

 

Dahil sa ginawang renovation, ang operating speed ng mga trains ay tumaas ng 60 kilometers per hour mula sa dating 25 kph at nabawasan din ang waiting time sa mga istasyon mula sa dating 9 minutes ay naging 3.5 minutes na lamang. LASACMAR

Other News
  • Psalm 86:11

    Teach me your ways, O Lord, that I may live according to your truth.

  • Competency o kakayahan, pangunahing criteria sa pagtatalaga bilang Marcos admin officials

    WALANG  palakasan at political connections sa pagtatalaga bilang  public managers ng gobyerno.   Sa katunayan, ang pagpili bilang Marcos admin  officials ay base sa  merito at kakayahan na magampanan ang kanilang  government functions.   Sa idinaos na Public Leaders’ Summit (PLS) ng Career Executive Service Board (CESB) noong nakaraang linggo, sinabi ni Executive Secretary Victor […]

  • PBBM, nakakuha ng iskedyul para makapulong si Canadian PM Trudeau

    NAKATAKDANG makapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  si  Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa sidelines ng  40th at  41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Cambodia.     “I just made a schedule with Trudeau… I’ve never met with him so I suppose it’s just going to be an introductory […]