• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT, MRT may train schedule ngayong Holiday season

MAGPAPATUPAD ng schedule adjustments ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 at Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ngayong Holiday Season, bunsod na rin nang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

 

 

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, layunin ng schedule adjustments na mas maraming pasaherong makasakay sa mga train lines ngayong holiday rush.

 

 

Sa abiso ng DOTr kahapon, mula Disyembre 16 hanggang 24, at sa Disyembre 31, sisimulan ng MRT-3 ang kanilang unang commercial trip mula North Avenue station ng 4:30AM.

 

 

Sa pagitan naman ng Disyembre 16 at 23, palalawigin ng naturang train line ang kanilang operating hours, kung saan ang huling biyahe nito mula North Avenue Station ay aalis ng 10:34PM habang ang mula naman sa Taft Avenue ay bibiyahe ng 11:08PM.

 

 

Samantala, ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ay magsisimula ng kanilang adjusted schedule sa Disyembre 17.

 

 

Nabatid na ang unang commercial train nito ay bibiyahe ng 5:00AM sa Disyembre 17-23, 24 at 31. Magpapatupad naman ito ng regular operating hours mula Disyembre 25-30 at sa Enero 1 onwards.

 

 

Ang LRT-1 naman ay magsisimula ng kanilang adjusted operating hours sa Disyembre 20.

 

 

Bukod dito, sinabi ni Bautista na sa ginawag scheduled adjustment, mabibigyan din ng pagkakataon ang mga rail employess na makapiling ng matagal ang kanilang mga pamilya ngayong Pasko.

 

 

Pinayuhan ng DOTr ang mga pasahero na bisitahin ang timetables para sa adjusted train operating hours.

 

 

Ang LRT-1 ay pinangangasiwaan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), at bumabagtas mula Dr. Santos Station (dating Sucat) sa Parañaque City hanggang sa Fernando Poe Jr. Station sa Quezon City, habang ang LRT-2 naman ay pinangangasiwaan naman ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at bumibiyahe mula Antipolo Station hanggang Recto Station sa Maynila habang ang MRT-3 ay pinangangasiwaan ng DOTr at nag-o-operate mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City.

Other News
  • Pinas, puntirya na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines

    MULA sa inisyal na target na 148 milyon ay puntirya na ngayon ng Pilipinas na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines.   Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na target na ng bansang bumili ng 158 million doses at tumanggap ng dagdag na 44 million doses mula sa Covax Global vaccine sharing […]

  • PDu30, kakausapin si Xi sa Abril 8

    NAKATAKDANG kausapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Chinese President Xi Jinping sa Abril 8 para muling ipabatid dito ang kanyang alalahanin na ang armed conflict sa Eastern Europe ay maaaring mag- spill over sa Asya at madamay ang Pilipinas sa “vortex of a war” sa rehiyon.     Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa […]

  • Travel ban sa 8 bansa, ikinasa na ng Pilipinas

    PINAGBAWALAN na ng Pilipinas ang mga biyahero mula sa 8 territories sa layuning iiwas ang bansa sa matinding mutated Omicron COVID-19 variant.   Epektibo Dec. 16 hanggang 31, ang mga biyahero mula sa mga sumusunod na “high-risk” areas na bahagi ng tinatawag na “Red List” ay pagbabawalan na makapasok ng Pilipinas.   Ang mga bansang […]