LRTA: Fare hike di minamadali
- Published on January 20, 2023
- by @peoplesbalita
WALA sa plano ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na madaliin ang pagpayag na magkaroon ng pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2.
“The fare hike request must go through the regulatory process such as public consultations. Thus, there is no rush the approval of a petition for fare increasein LRT 1 & 2,” wika ni LRTA administrator Hernando Cabrera.
Ayon kay Cabrera na tatlo lamang na miyembro ng LRTA board ang nagbigay ng approval kasama na siya, isang miyembro mula sa pribadong sektor at ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LRTA) mula sa siyam (9) na miyembro ng board.
Binigyan naman ni Cabrera ng assurance ang publiko na ang parehong LRT 1 & 2 ay hindi magpapatupad ng pagtataas ng pamasahe ng walang approval mula sa majority ng LRTA board.
Noong isang linggo,mula sa isang resolusyon na nilabas, ang LTFRB ay nagbigay ng mungkahi na magkaroon ng adjustment sa pasaheng LRT 1 & 2 na P2.29 para sa boarding fare at P0.21 kada kilometro.
Kung papayagan ng LRTA board ang nasabing fare adjustment, ang magiging bagong boarding fee ay P13.29 habang ang distance fee ay tataas ng P1.21 kada kilometro para sa dalawang rail lines.
Sa kasalukuyan, ang pasahe sa LRT 1 na single-journey tickets ay may range na mula P15 hanggang P30 depende sa distance habang ang base fare para sa stored-value o reloadable tickets ay P11.
Samantala, ang aktibistang grupo na Bagong Alyansang Makabayan ay nanawagan sa Department of Transportation (DOTr) na balewalain ang resolusyon ng LTFRB na pumapayag sa pagtataas ng pamasahe sa LRT 1 & 2.
“There is no other recourse at this point but to deny the fare increase given the current inflation rate and the infirmities in the concession agreement with the private operator, which is LRMC,“saad ni Bayan secretary general Renato Reyes.
Nagtanong din ang grupo na kung bakit kasama ang LRT 2 sa pagtataas ng pamasahe naayon sa kanila ay may pondo mula sa pamahalaan samantalang ang petitioner na LRMC ay namamahala lamang ng LRT 1. LASACMAR
-
Halaga ng pinsalang iniwan ng STS Kristine sa agri sector, lumobo pa sa P6.83B
Ito ay batay sa updated report ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRMO). Lumobo rin sa 171,080 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan sa pananalasa ng naturang bagyo mula sa 143,000, dalawang araw na ang nakakalipas. Umabot na rin sa 317,316 metriko tonelada […]
-
DOH: ‘NCR Plus’ handa nang bumalik sa estado ng GCQ
Naniniwala ang Department of Health (DOH) na handa na ang mga lugar na sakop ng National Capital Region (NCR) Plus na bumalik sa estado ng general community quarantine (GCQ). Kasunod ito ng anunsyo ng Malacanang nitong Huwebes ng gabi na isasailalim na sa “GCQ with heightened restriction” ang NCR, Cavite, Laguna, Rizal, at […]
-
Manny Pacquiao hindi makakalaban sa Amerika?
KUNG magdedesisyon si eight-division world champion Manny Pacquiao na bumalik sa boxing, posibleng mahirapan itong ganapin ang kanyang comeback fight sa Amerika. Ito ay dahil sa kasalukuyang kaso na kinakaharap nito laban sa Paradigm Sports Management (PSM) sa Superior Court of California. Nais ni Paradigm chief Audie Attar na bayaran ni […]