• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: 7,870 slots binuksan para sa TNVS

Binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit na libong karagadagan slots para sa transport network vehicle service (TNVS).

 

 

 

Naglaan ng 7,879 slots ang LTFRB para sa karagdagan slots ng TNVS upang lumakas ang operasyon ng TNVS at ng mabiyan ng tamang serbisyo ang mga pasahero.

 

 

 

“We opened 7,870 slots for accredited transport network companies (TNC) such as Grab, Angkas and Joyride,” wika ng LTFRB.

 

 

 

May 7,000 na bagong slots ang binuksan at inilaan sa Metro Manila, 230 slots sa Central Luzon, 500 naman sa Bicol at 150 sa Western Visayas.

 

 

 

Ang mga interesadong kumpanya sa Metro Manila ay maaaring mag fill up ng registration form sa website ng LTFRB at social media pages nito. Bibigyan sila ng kaukulang reference number at e-mail confirmation tungkol sa oras at petsa ng kanilang pagrehistro sa central office ng LTFRB sa Quezon City.

 

 

 

Samantalang, ang mga aplikante sa Central Luzon, Bicol at Western Visayas ay puwede naman mag fill up ng kanilang application form sa mga regional offices ng LTFRB. Ang mga nasabing slots ay ibibigay ng first-come, first-serve basis lamang.

 

 

 

Ang mga aplikante ay kinakailangan na mag file ng formal offer ng evidence limang (5) araw bago ang nakatakdang araw ng hearing na may nakaakibat na mga dokumento na nagpapatunay ng existence ng garage at financial capability at may 5R photograph ng bawat unit na gagawing TNVS. Kailangan din ang registration sa Department of Trade and Industry (DTI), certificate ng rehistro sa Bureau of Interna Revenue o ebidensiya ng filing. Kinakailangan din na mag submit ng certificate ng accreditation mula sa accredited na TNC at clearances mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ng kanilang authorized driver.

 

 

 

“They also need to include an affidavit of publication, copies of the publication and an affidavit of attestation of the documents they would file,” dagdag ng LTFRB.

 

 

 

Ginawa ng LTFRB ang hakbang na ito matapos na humiling ang ridehailing platform na Grab sa LTFRB na magbukas ng panibagong slots para sa TNVS units upang mabawasan ang kakulangan ng mga sasakyan.

 

 

 

Noong June 2019, ang LTFRB ay nagbukas ng 10,000 na bagong slots para sa mga TNVs. LASACMAR

Other News
  • Ads November 15, 2022

  • World Bank, inaprubahan ang $200-M dollars na karagdagang pondo para sa Ukraine recovery

    INANUNSIYO ng World Bank (WB) na inaprubahan nito ang halos $200 milyon para sa karagdagan at reprogrammed na financing upang palakasin ang Ukraine’s social services para sa mga vulnerable people.     Ang financing ay bahagi ng isang $3 bilyon na package support na dati nang inihayag ng World Bank na naghahanda ito para sa […]

  • 11-K Pulis ipakakalat sa NCR para magbigay seguridad sa paggunita ng Semana Santa

    SINIMULAN na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mag deploy ng nasa 11,000 police personnel sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.     Layon nito para masiguro ang seguridad para sa tahimik, maayos at mapayapang paggunita ng mga Katoliko sa Semana Santa.     Ayon kay NCRPO Spokesperson, P/LtCol. Jenny […]