• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB binalaan ang mga operators at drivers ng EDSA Carousel buses na tumatangap ng bayad

BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kumpanya ng EDSA Carousel na sumisingil ng bayad sa mga pasahero at kung saan pinaalalahanan din ang mga pasahero na libre ang sakay round the clock sa buong buwan ng December.

 

 

Nilinaw ng LTFRB ang tungkol sa issue dahil sa mga nakakarating na reklamo sa kanilang opisina na ang ibang EDSA buses ay sumisingil ng bayad lalo na sa nighttime trips.

 

 

Wala pa naman formal na reklamo ang inihain ng mga pasahero sa LTFRB laban sa mga bus operators at drivers subalit kanila na rin iimbestigahan ang nasabing alegasyon ng mga pasahero.

 

 

“But we will look into reports that passengers are being asked to pay bus fares during the trips from 11 p.m. to 4 a.m.,” wikani LTFRB executive director Robert Peig.

 

 

Ayon kay Peigna ang mga kumpanya ng EDSA buses na mahuhuling sumisingil sa mga pasahero ay kanilang ilalagay sa blacklist at pagmumultahin ng P5,000 ang kanilang mga tauhan. Irerekomenda naman ng LTFRB na suspendihin ang driver’s license ng mga mahuhuli sa Land Transportation Office (LTO).

 

 

Noong nakaraang buwan ay nagpasa ang LTFRB board ng Resolution 174 para sa 24-hour na libreng sakay sa EDSA busway mula Dec.1 hanggang Dec.31.  Dati ang libreng sakay ay mula lamang 4 a.m. hanggang 11 p.m.

 

 

Tinitingnan din ng LTFRB ang pagdadagdag ng mga buses dahil na rin sa report na may matagal na waiting time ang nararanasan ng mga pasahero lalo ng kung gabi. Marahi lito ay dahil sa tumaas na bilang ng mga pasahero na sumasakay ngayon Christamas season.

 

 

Sa ngayon ay tumaas ng hanggang 14,000 simula ng December at 21,000 hanggang noong nakaraang Sabado ang mga pasahero mula 11 p.m hanggang 4 a.m.

 

 

Matatapos ang libreng sakay sa EDSA Carousel sa Dec. 31 dahil sa walang pondo ang nakalaan para sa contracting service policy ng pamahalaan sa  ilalim ng 2023 National Expenditure Program. LASACMAR

Other News
  • Walang problema kahit Chinese ang mapapangasawa: BENJAMIN, nakapagpatayo na ng bahay bago sila ikasal ni CHELSEA

    SA January 28, 2024 na ang kasal nina Benjamin Alves at girlfriend niyang si Chelsea Robato, kaya excited na siya.   Kuwento pa ng aktor, “Kapag napag-uusapan yung mga schedules, mga kulay, dun ako medyo nalulula kasi ang dami nga palang preparations, but we have a really great wedding coordinator, si Kim Torres.”     […]

  • Japan, kinokonsidera ni PBBM na isama sa Balikatan drills kasama ang Estados Unidos

    KINOKONSIDERA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isama ang Japan sa nalalapit na Balikatan Exercises, isang taunan na military activity sa pagitan ng armed forces of the Philippines (AFP) at Estados Unidos.     “Now with the inclusion of Japan into some of these exercises that we have been doing—not only Balikatan but others—I do […]

  • Wala raw political color or motives ang life story: CLAUDINE, puring-puri ni IMELDA sa pagganap sa kanyang biopic

    PINURI ni Imelda Papin si Claudine Barretto sa pagganap nito sa kanyang film bio na ‘Imelda Papin: The Untold Story.’     “The best talaga sa akin si Claudine Barretto. She’s not just a big star, but also a best actress. Claudine was the best choice to play me in the movie. I like to […]