• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Binigyan ng 27 buwan upang palitan ang lumang PUJ units

MATAPOS ang consolidation ng mga individual na operators upang maging kooperatiba o korporasyon, ang kasunod naman nito ay ang pagpapalit ng mga lumang public utility jeepneys (PUJs) upang maging modernized units.

 

 

“We have set a schedule so the replacement of units is not immediate, so within that time, old units can still be utilized as long as deemed road-worthy. However, transport cooperatives were required to replace old units with modernized ones in 27 months or two years and three months after the consolidation deadline,” wika ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Riza Marie Paches.

 

 

Inaasahan ng LTFRB na matapos ang binigay na takdang panahon na 27 buwan ang mga traditional jeepneys ay napalitan na ng mga modernized units.

 

 

Taong 2017 nang simulant ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan na naglalayon na mapalitan ang mga traditional jeepneys ng kahit man lamang Euro 4-compliant engines upang mabawasan ang polusyon at upang mapalitan ang mga units na hindi na roadworthy ayon sa standards na binigay ng Land Transportation Office (LTO).

 

 

Sa ilalim ng programa sa consolidation, ang mga individual PUV na prangkisa ay gagawing isang kooperatiba kung saan ang pamahalaan ay naglalayon din na mabawasan ang burden sa pagbili ng modernized units ng mga operators papuntang kooperatiba dahil sa mataas na presyo ng isang unit ng modernized unit ay nagkakahalaga ng P2 milyon.

 

 

Ang pamahalaan ay magbibigay lamang ng P280,000 na subsidy bawat unit ng modernized unit sa Class 2, 3 o 4 at P210,000 naman sa Class 1.

 

 

Nilinaw naman ng LTFRB na ang pamahalaan ay hindi puwedeng mag dictate sa mga kooperatiba o korporasyon kung anong klaseng modelo ng modernized jeepneys ang kanilang kukunin at bibilihin sa ilalim ng PUVMP.

 

 

Ayon naman sa Office of Transportation Cooperatives (OTC) na ang mga drivers at operators ng mga unconsolidated PUV units na hindi agad sila mawawalan ng kabuhayan dahil sila ay maaaring kunin ng itatayong kooperatiba o korporasyon at ng mga consolidated na PUV utilities.

 

 

Samantala, ayon pa rin sa LTFRB, ang mga consolidated units ay bibigyan ng mga stickers sa darating na February upang makita ang kaibahan sa mga PUJs na hindi sumali sa consolidation kung kaya’t hindi na pinapayagan na magkaron ng operasyon sa kanilang ruta.

 

 

Ang LTO at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang magiging partners upang gumawa ng random checks sa mga lansangan.

 

 

“We will have a random check of PUJs. We will look into their registration papers and we will issue stickers on PUJ with consolidation to differentiate with those without consolidation,” saad ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz.

 

 

Pinayuhan naman ang lahat ng mga drivers at operators na laging dalahin nila ang registration at kopya ng kanilang aplikasyon sa consolidation upang ipakita sa mga mga enforcers na gagawa ng random checks.

 

 

Ayon sa LTFRB, may 300 na PUJs na may registro ang hindi sumali sa consolidation sa buong Metro Manila.  LASACMAR

Other News
  • Ads February 28, 2022

  • 36ers matikas ang exit sa NBL

    MAGARBONG tinapos ng Adelaide 36ers ang kam­panya nito matapos ilampaso ang New Zealand, 93-63, sa 2021-22 Australia National Basketball League kahapon sa MyState Bank Arena sa Australia.     Nagpasiklab si 7-foot-3 Pinoy cager Kai Sotto na nagtala ng 12 puntos, pitong rebounds at apat na blocks para tulungan ang Adelaide na makuha ang panalo. […]

  • Ads April 26, 2023