LTFRB binigyan ng extension ang PUB ng permits ngayon holiday season
- Published on December 6, 2023
- by @peoplesbalita
PINALAWIG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang validity ng special permits ng mga public utility buses (PUBs) upang matugunan ang inaasahang pagtaas ng bilang ng mga pasahero na maglalakbay papunting mga probinsya ngayong Kapaskuhan.
Sa isang Board Resolution No. 101-2023, sinabi ng LTFRB na ang duration ng special permit ay mula Dec. 15, 2023 hanggang Jan. 4, 2024 para sa mga PUBs.
“To serve the best interest of the riding public, the board deems it necessary to review and amend the existing policy on issuance of special permits for the 2023 holiday season, particularly on the duration of the permit to address the expected increase of travelers to the provinces,” ayon sa LTFRB.
Ang mga special permits na sumailalim sa proseso ng LTFRB ay na extend din ang validity. Sa taong ito, ang LTFRB ay tinaas ang bilang ng mga buses na bibigyan ng special permits ngayon Kapaskuhan.
Ayon sa LTFRB, ang bilang ay tumaas ng 30 porsiento mula sa kabuohang bilang ng mga buses sa magkaparehas na ruta habang ang edad ng mga buses na bibigyan ng special permits ay nagkaron din ng extension hanggang 14 na taon bawat unit.
Ginawa ang hakbang na ito dahil gusto ng LTFRB na ma-optimize ang operasyon ng mga bus operators at ng makatulong sa kanilang recovery mula sa financial setbacks ng pandemya.
Samantala, inalis naman ng LTFRB ang multa para sa aplikasyon ng extension ng validity ng may mga expired na prangkisa at non-submission ng income tax return kasama rin ang hindi pagsusumite ng audited financial statements ng PUB operators.
Ang pag-aalis ng multa ay para sa taong 2022 at ganon din para sa mga certificates of public convenience na may expiray dates mula March 1, 2020 hanggang Sept. 30, 2022.
Sa kabilang dako naman, sinabi ng LTFRB na ang mga pasahero ay hindi mabibigyan ng diskwento sa pamasahe sa ilalim ng LTFRB 2023 Service Contracting Program.
“The P699 million program can only guarantee the availability of public utility vehicles (PUVs) throughout the day. We are bound by the Commission on Audit. Every discount shall be monitored by LTFRB. In case of traditional jeepney, we don’t have a way to monitor every ride, so we have to further study how to implement just in case we will give discount in fare. We are still learning the process,” wika ni LTFRB Technical Division chief Joel Bolano.
Ang nasabing programa ay inilungsad upang mabigyan ng benepisyo ang nga PUV drivers at operators subalit kailangan nilang tumupad sa mga requirements at isa na dito ay dapat ay may 80 porsientong on-board vehicles. Kinakailangan rin na ang mga kasaling sasakyan sa programa ay tatakbo ng specific number ng kilometro kada araw.
“Under this year’s program, a net service contract will also be implemented – meaning operators are paid an agreed-upon amount covering portion of the operational and maintenance costs to ensure fair compensation for the services rendered on top of the farebox collected,” dagdag ng LTFRB.
Kung matutuloy ang programa ngayon taon, ito ang kaunahang pagakakataon na lalahok ang lokal na pamahalaan. LASACMAR
-
Azərbaycanda Rəsmi Say
Azərbaycanda Rəsmi Sayt “Pin-up Casino ️ Azərbaycanın Rəsmi Saytı Content Pin Up Rəsmi Saytında Pin Up Casino Azerbaijan 🎰 Pin Up Casino Slotları Real Pul Üçün Çəkilməklə Və Ya Pulsuzdur Pın Up Online Casino – En Sevdiğiniz Oyunları Çevrimiçi Oynayın Bahisçi Pin-up Bahisinin Indirilen Mobil Uygulaması Telefonda Ve Bilgisayarda Indirilen Pin Upward Kumarhanesi Arasındaki Farklar […]
-
IVANA, nanawagan sa mga lalaki na gusto siyang ligawan at pakasalan; namimigay ng pera kapag nalalasing
IBANG klase pa lang malasing ang sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi. Ang latest vlog nito ay nakipag-inuman sa kapatid na si Hash habang sinasagot ang “Never Have I Ever.” Marami itong rebelasyon at aliw kami na mukhang planong i-deny na gumamit din siya ng dating app, pero ibinuko ng kapatid […]
-
Herd immunity sa Maynila kayang maabot hanggang Setyembre
Tiwala ang Manila City Governments na makakamit nila ang herd immunity hanggang sa Setyembre. Ito ay dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagpapabakuna sa mga residente doon. Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mayroong mahigit 35,000 kada araw silang nababakunahan mula ng palakasin ang vaccination drive ng city government. […]