LTFRB: Guidelines sa window hour scheme ng buses nilinaw
- Published on April 29, 2022
- by @peoplesbalita
Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang guidelines sa “window hour scheme” ng mga provincial buses sa gitna ng pagkalito sa pagpapatupad ng nasabing panuntunan.
Ayon sa LTFRB, maaari pa rin na magsakay ang mga provincial buses ng mga pasahero mula at papunta sa mga probinisya kahit lagpas na sa window hours na 10:00 ng gabi hanngang 5:00 ng umaga.
“Provincial buses may use their private terminals from 10:00 p.m. to 5:00 a.m. Beyond those hours, bus drivers and operators can use the designated transport hubs, such as the Paranaque Integrated Terminal Exchange, North Luzon Express Terminal and Sta. Rosa Integrated Terminal,” wika ng LTFRB.
Kung ang isang pasahero ay pupunta sa probinsiya ng lagpas na sa window hours, kinakailangan lamang na sumakay sila ng city buses papunta sa mga nasabing terminals.
Nagkaron ng pagkalito ang mga pasahero dahil nagbigay ng paalala ang mga bus companies na ang departures at arrivals ay dapat mangyari lamang sa loob ng window hours. Kung kaya’t umangal ang mga pasahero sa polisia ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na silang nagpatupad dahil na rin sa kakulangan ng advisory mula sa MMDA. Dahil dito ang mga pasahero ay naghintay pa ng matagal na oras upang makasakay lamang ng 10:00 p.m. na trip.
Pinaliwanag naman ng LTFRB na pinapayagan naman nila ang mga provincial buses na mag operate lagpas ang window hours subalit ang ibang bus companies ay tumigil sa kanilang mga trips. Ayon sa report, maraming mga pasahero ang hindi pinayagan na bumili ng kanilang tickets.
Diniin naman ni LTFRB executive director Kristina Cassion na walang rason ang mga provincial bus operators na huminto sa kanilang pagbibiyahe kahit lagpas na ang window hours.
“Bus operators should be responsible enough to abide by their agreement with the MMDA. Their non-compliance is a violation of their special permits and certificate of convenience to operate. We will hold them accountable for this blatant violation,” saad ni Cassion.
Pinatutupad ng MMDA ang nasabing window hours sa mga provincial buses upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa kalakhang Maynila. LASACMAR
-
NBA ikinatuwa na wala nang naitatalang players na nagpositibo sa coronavirus
Ikinatuwa ng NBA na wala ng nagpositibo sa coronavirus na mga NBA players sa Orlando mula pa noong Hulyo 13. Nangangahulugan aniya ito na epektibo ang ginagawa nilang bubble method. Sa kabuang 346 na mga manlalaro na nasa Disney World campus ay nagnegatibo na ang mga ito. Patuloy din aniya nilang ipinapatupad […]
-
Fireworks pumawi sa lumbay sa halos bakanteng Olympic Stadium sa closing ng 2020 Summer Games
Katulad nang binuksan ang 2020 Tokyo Olympics, halos bakante rin ang stadium na pinasukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang kalahok na bansa para sa pagtatapos ng Summer Games. Ito ay dahil nilimitahan pa rin ang mga pinapapasok sa Olympic Stadium bunsod ng banta ng coronavirus disease (COVID-19). Gayunman, pumawi […]
-
Ads February 5, 2020