LTFRB magbubukas ng 3 bagong ruta
- Published on July 4, 2023
- by @peoplesbalita
MAGBUBUKAS ng tatlong bagong ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa napipintong paghinto ng operasyon ng serbisyo ng Philippine National Railways (PNR).
Ang mga sumusunod na bagong ruta ay ang FTI-Divisoria via East Service Road, Alabang (Starmall) – Divisoria via South Luzon Expressway para sa mga public utility buses (PUBs), at Malabon-Divisoria para sa mga Modern Public Utility Jeepneys (MPUJ).
Ayon sa LTFRB ay may 30 PUBs ang inaasahang tatakbo sa rutang FTI-Divisoria at 25 units sa rutang Alabang (Starmall) – Divisoria.
Habang may 5 units ng MPUJ ang tatakbo sa rutang Malabon-Divisoria na maaari pang mabago ang bilang depende sa bilang mga pasahero.
“The effect of the closure of these select PNR stations on commuters will be quite substantial, so through these PUV routes, we hope to lessen the impact of the closure. We appreciate the help of the PNR in identifying the routes, and we know that once the NSCR is completed, its benefits will be truly worth in terms of passenger mobility along our railways, which is regarded as one of the most convenient and affordable modes of public transportation in the country,” wika ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III.
Dagdag ni Guadiz na ang pagpili sa mga operators sa mga bagong bukas na ruta ay nasa ilalim ng “Consolidated Guidelines on the Process of Issuance of Certificate of Public Convenience and Provisional Authority/ Special Permit Under the Omnibus Franchising Guidelines and Public Utility Vehicle Modernization Program” ng pamahalaan.
Kinakailangan lamang na ang mga units na tatakbo sa mga bagong ruta ay hindi na tataas sa 5 taon na dapat ay nakalagay sa Certificate of Registration ng Land Transportation Office (LTO). Dapat din ay may special permit ang mga units na valid lamang ng 1 taon na puwedeng magkaron ng renewal kada taon hanggang ang North-South Commuter Railway (NSCR) ay fully operational na.
Ayon din sa LTFRB na ang existing pamasahe sa mga PUBs na pinayagan ng LTFRB ang siyang ipatutupad sa mga nasabing bagong ruta.
Halos 5 taon na sususpendidhin ng PNR ang operasyon ng serbisyo nito upang bigyan daan at ng maging mabilis ang pagtatayo ng proyektong NSCR.
Ang rutang Alabang-Calamba ng PNR ay suspendido na simula kahapon, July 2 upang bigyan daan ang NSCR. LASACMAR
-
RAIN WATER COLLECTION SYSTEM ILALAPAT NA SA BUONG QC
INATASAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si City Engineer Atty. Dave Perral na mag-install at magpagana ng mga rain water collection system sa lahat ng gusaling pag-aari ng lungsod at maging sa mga pampublikong paaralan sa syudad. Ito ay bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Quezon City LGU para tugunan ang mga […]
-
Sampung taon na pero never pang nakita ang ama: ANGELICA, ibinahagi ang pinagdaraan nila ng anak na si ANGELO
PUNUM-PUNO ng damdamin na ibinahagi ni Angelica Jones ang tungkol sa pinagdaraanan niya at ng kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki na si Angelo. Mula kasi nang isilang si Angelo ay never pa nitong nakaharap ang ama niya. At dahil gaganap si Angelica bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas sa […]
-
‘Di na makakasama si Ruru dahil sa ‘Black Rider’: Grupo nina MIKAEL, babalik sa South Korea para sa ‘Running Man PH 2’
LILIPAD na sa isang linggo ang cast ng ‘Running Man Philippines 2’ patungong South Korea. Si Mikael Daez mismo ang nag-announce nito sa guesting nila sa ‘All-Out Sundays’ nito lamang Linggo. Kasama ni Mikael sa season 2 ng naturang show sina Glaiza de Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian at […]