• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: May libreng sakay puntang PITX, NLET

SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon papuntaSng mga terminals ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at North Luzon Express Terminal (NLET).
Ang programa ay kasama sa third leg ng service contracting ng pamahalaan kung saan ang mga pampublikong transportasyon ay nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero.
“Free rides would be provided by PUVs from the North Luzon Express Terminal going to Araneta Center in Cubao and from NLET going to the Paranaque Integrated Terminal Exchange,” wika ng LTFRB.
Magsisimula ang unang biyahe ng 1:00 ng umaga at matatapos ng 12:00 ng hatinggabi. Sinigurado ng LTFRB na maglalagay sila ng sufficient na bilang ng mga PUVs upang masiguro ang ligtas at walang problemang paglalakbay ng mga pasahero.
Kasama rin sa programa ang pagbibigay ng libreng sakay sa EDSA carousel at ibang ruta. Inaasahan na ang programa ay makakapagbigay ng serbisyo sa may mahigit na 93 million na pasahero.
Ating matatandaan na naputol ang nasabing programa subalit muling binalik nitong nakaraang linggo lamang upang makatulong sa mga PUV drivers at operators ngayon panahon ng pandemya.
“The Service Contracting Program also aims to provide financial support to transport service providers and workers through a performance-based payout system. Under the program, drivers and operators will be paid by the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) based on the maximum based on the maximum trips made per week, with or without passengers and in compliance with the agreed-upon performance indicators,” dagdag ng LTFRB.
 Ang programa ay may pondong P7 billion para sa Phase 3 ng Service Contracting kung saan ang Department of Budget and Management (DBM) ay naglaan ng pondo.
Sa ilalim din ng programa sa service contracting, ang PUV operators ay bibigyan ng one-time incentive na P5,000 kada unit bilang “pre-operating costs.” Habang ang operational incentives ay ibibigay kada linggo. Kasama dito ang mga gastos para sa fuel expenses, disinfection, at monthly amortization at iba pang overhead expenses kung saan ito ay babayaran din ng pamahalaan.
Ang programang ito ay inilungsad sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang tinatawag na “Bayanihan To Recover as One Act” kung saan ito ay naglalayon na magbigay ng pansamantalang kabuhayan sa mga mangagawa sa sektor ng transportasyon sa gitna ng pandemya.
“The latest implementation of the program was included in the General Appropriation Act (GAA) for the Fiscal Year 2022 and aims to ensure efficient and safe operations of PUVs, provide financial support to transport operators and workers, and sustain support to Filipino workers and commuters,” ayon pa rin sa LTFRB.  LASACMAR
Other News
  • Higanteng Christmas tree, pinailawan sa Navotas

    DAMANG-DAMA na ang simoy ng kapaskuhan sa Lungsod ng Navotas, kasunod ng pagpapailaw sa higanteng Christmas tree at fireworks display sa Navotas Citywalk at Amphitheatre.       Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang kanyang mga anak at iba pang opisyal ng lungsod, ang lighting ceremony, ribbon-cutting ng Navotas Christmas Bazaar, gayundin ang […]

  • NBA: Magic pinahiya ang GSW; Nuggets binigo ang Clippers at Hawks nalusutan ang Knicks

    PINATIKIM  ng Orlando Magic ang pangatlong pagkatalo ng Golden State Warriors 94-90.     Nagpanalo sa koponan ang tatlong free-throws na naipasok ni Franz Wagner na mayroon siyang kabuuang 18 points na nagawa sa buong laro.     Nanguna sa panalo ng Magic si Wendell Carter Jr na nagtala ng 19 points at walong rebounds […]

  • Speaker Romualdez pinakakasuhan na sa BOC ang mga smuggler

    PINAKAKASUHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Bureau of Customs (BoC) ang mga rice smuggler, kasama ang kanilang mga kasabwat sa pagpuslit ng libu-libong sako ng bigas na iligal na ipinasok sa mga pantalan sa Mindanao.     Ginawa ni Speaker Romualdez ang apela kasabay ng paghahayag ito ng suporta sa naging desisyon ni […]