• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB naghihintay pa ng pondo sa fuel subsidy ng PUVs

NAGHIHINTAY pa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM) na gagamitin sa fuel subsidy ng drivers para sa mga public utility vehicles (PUVs).

 

 

Ayon sa LTFRB na kanilang ibibigay ang fuel subsidy kapag nakuha na nila ang pondo para dito.

 

 

“Once funding is available, then we can start distributing the fuel subsidy,” wika ni LTFRB Technical Division chief Joel Bolano.

 

 

Pinaliwanag ni Bolano na ang subsidies ay ipamamahagi sa may 1.3 million na PUV drivers at operators sa buong bansa depende kung anong klaseng PUV ang kanilang ginagamit.

 

 

Ang mga traditional jeepney drivers o operator ay makakuha ng P6,500 habang ang modern jeepney drivers ay bibigyan ng P10,000 bawat isang unit. Ang mga tricycle drivers naman ay tatangap ng P1,000 at ang mga riders ay makakakuha ng P1,200 kada unit.

 

 

Magiging basehan ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB sa pagbibigay ay ang kanilang operational cost at ang fuel consumption.

 

 

Noong pang nakaraang July pinayahag ng LTFRB na magkakaron ng fuel subsidy ang mga PUV drivers at operators upang mabawasan ang epekto ng patuloy na tumataas na presyo ng krudo sa merkado.

 

 

Nagbigay naman ng pahayag ang Department of Budget and Management (DBM) na kanila ng minamadali ang pag proseso ng pag rerelease ng pondo para sa fuel subsidy ng mga PUV drivers at operators.

 

 

“We are already processing the request to immediately release the funds for this purpose,” saad ni DBM bureau chief Maria Celia Abogado.

 

 

Sa kabilang dako naman, maaari magkaron ng backlog sa pag-iisue ng driver’s license dahil ang kontrata ng Land Transportation Office (LTO) sa card supplier ay nabigyan ng temporary restraining order (TRO).

 

 

Ang Quezon City Regional Trial Court ay nag issue ng TRO sa awarding ng LTO   sa bagong kontrata ng card supplier ng blank plastic cards ng driver’s license. Tatagal ang TRO ng 20 araw. LASACMAR

Other News
  • Para mapagaan ang entry of investments sa Pinas: PBBM, gusto agad na tugunan ng DTI ang ‘pain points’

    NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.  sa  Department of Trade and Industry (DTI) para tugunan ang hamon sa  pagpasok ng investments sa Pilipinas.     Ito na kasi ang tamang  panahon para maglagay o magtayo ng green lanes para rito.     “Malinaw po ang instruction ng Presidente – he wants an all-of-government approach […]

  • 58% ng POGO-related crimes sa PH sangkot sa human trafficking – Sen. Gatchalian

    KARAMIHAN ng mga krimen may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ay sangkot sa human trafficking ayon kay Senate way and means committee chair Senator Sherwin Gatchalian.     Sa ipinadalang sulat ng Senador sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ng mambabatas na nasa 65% o 68% ng 113 POGO-related cases na naitala […]

  • Daniel Radcliffe is a Bratty Billionaire in the new action-adventure comedy ‘The Lost City’

    AN action-adventure comedy is only as good as its villain, and Paramount Pictures’ The Lost City has an unforgettable one in eccentric, author-nabbing billionaire Abigail Fairfax, played by Daniel Radcliffe (“Harry Potter” film series).     When Daniel Radcliffe was first mentioned for the role, co-star Sandra Bullock thought the suggestion was, as she calls it, “genius,” […]