LTFRB namimigay ng driver subsidy
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamimigay ng bagong subsidy program na tulong para sa humigit kumulang na 60,000 na public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic
Ang programang ito ay magbibigay muna ng subsidies sa may 60,000 na drivers sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.
“The program is being undertaken in light of the Bayanihan to Recover As One Act to ensure safe, efficient and financially viable operations of public transportation under these unusual circumstances,” wika ni LTFRB executive director Renwick Rutaquio.
Mayroong P5 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa nasabing programa na ibibigay sa transport sector na siyang mas naapektuhan ng nagpatupad ng lockdown ang pamahalaan noong nakaraang March dahil sa COVID-19.
Marami sa mga PUV drivers ay nawalan ng trabaho kung kaya’t napilitang magpalimos na lamang sa mga kalsada matapos na magkaron ng shut down ang lahat ng public transport sa loob na ilang buwan.
Sinimulan na ang pamimigay noong nakarang weekend sa rutang Tandang Sora, Novaliches, at EDSA at officially ng itutuloy ang pamimigay ngayon linggo sa mga PUV drivers.
Ang subsidy ay ibabase sa kilometrong natahak kada sasakyan depende sa klase ng sasakyan at iba pang compliance sa mga napagusapang performance indicators.
Kahit na may ganitong programa, regular fare pa rin ang ibabayad ng mga pasahero upang masiguro ang steady revenue ng drivers at operators.
“Compliance with indicators in the service plan will be through a third-party systems manager and incentives and penalties will be given to drivers based on merit and demerit points under the program,” ayon sa LTFRB.
Halos 60 percent ng beneficiaries ng programa ay public utility jeepney drivers (PUJ).
Nakikita rin ng LTFRB na ang service contracting program ay siyang magiging bagong business model na parehas na makakatulong sa problema sa mobility at feasibility ng mga PUVs. (LASACMAR)
-
Service contracting ng PUVs tinaasan ang per kilometer incentive
Tinaasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang per kilometer incentive na binibigay sa mga public utility drivers (PUVs) sa ilalim ng programang service contracting ng pamahalaan. Sa isang LTFRB memorandum circular ng nilabas, ang per kilometer incentive para sa traditional at modernized jeepneys kasama ang public utility buses ay bibigyan […]
-
Garcia pinupuntirya na makaupakan si Pacquiao
INEKLIPSEHAN halos ni Ryan Garcia ng Estados ang panalong seventh round technical knockout kay Luke Camp Bell ng Great Britain para makamit ang interim World Boxing Council (WBC) lightweight title nitong Linggo sa American Airlines Center sa Dallas, Texas. Ito’y nang litanyahin niya bago pa magwagi na gustong makabangasan ang dakilang idolo niyang […]
-
Mag-live-in partner na tulak kulong sa P374K shabu sa Valenzuela
ISINELDA ang mag live-in partner na tulak ng illegal na droga at kapwa listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng halos P.4 milyon halaga ng umano’y shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina John […]