• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB sinisilip mataas na pasahe, surge fees ng Grab

SINISIYASAT na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang umano’y paggamit ng Grab ng algorithm para sa pasahe at price surge nito na inirereklamo ng mga customer.

 

 

 

Sa isang radio interview, sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz na masyadong malaki ang singil ng Grab kaya nila kinuwestyon at iniimbestigahan.

 

 

“Ang formula nila, iyon ang kinukuwestiyon ko ngayon. Baka gawin na lang uniform rate o i-reduce ang surge fees by as much as 50 percent,” ani Guadiz.

 

 

Umaasa ang LTFRB head na makatutulong ang pagpasok ng dag­dag na 5,000 TNVS units sa Metro Manila para matugunan ang demand at mapababa ang price surge.

 

 

“Hopefully with this, totally ma-re-reduce if not totally matatanggal iyong surge charges on certain hours of the day. Usually, ang surge fees in the morning, pag pasukan at saka sa hapon pag-uwian na, between 4 to 7 o’clock,” dagdag pa ni Guadiz. ( Daris Jose)

Other News
  • DND, pinalagan ang pahayag ng China na ginagatungan ng Pinas ang tensyon sa Taiwan

    PINALAGAN ng Department of National Defense (DND)  ang naging pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian na ginagatungan ng Pilipinas ang geopolitical tensions sa pamamagitan ng pag-alok sa Estados Unidos ng  military bases nito malapit sa Taiwan.     “The Department of National Defense takes exception to the statement of Chinese Ambassador to the Philippines Huang […]

  • Warrant of arrest naisilbi na vs Quiboloy – PNP

    NAIHAIN na ng ­Philippine National Police (PNP) ang 2 warrant of arrest sa kasong Child Abuse  at  Sexual abuse na ipinalabas ng Davao City Regional Trial Court laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy at 5 iba pang mga akusado, nitong Miyerkules.     Ayon kay BGen Alden Delvo, Davao Region Police Director, […]

  • “‘WONKA’ IS ABOUT BRINGING A LIGHT INTO A WORLD THAT IS IN DESPERATE NEED OF IT,” SAYS TIMOTHÉE CHALAMET

    Timothée Chalamet is proud to be a part of “Wonka.”        All the singing and dancing aside, Chalamet, who plays the beloved chocolatier in the film, is most proud of being part of “a joyous movie, that is about bringing a light into a world that is in desperate need of it,” he […]