LTO Chief, pinaiimbestigahan ang buong araw na aberya sa LTMS na nakaapekto sa libu-libong kliyente sa buong bansa
- Published on November 5, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS agad ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang masusing imbestigasyon kaugnay sa aberya ng online platform ng ahensya noong Miyerkules Oktubre 30, na nakaapekto sa libu-libong kliyente sa buong bansa.
“On behalf of the men and women of the LTO, I apologize for the service disruption of our Land Transportation and Management System (LTMS). We already have the initial report but I want to have a detailed explanation as to why this incident happened,” ani Assec Mendoza.
Nagsimula ang pagkakaantala ng operasyon ng LTMS bandang alas-7 ng umaga noong Miyerkules matapos ang sunod-sunod na ulat ng kawalan ng akses.
Agad namang ipinaalam ng mga IT expert ng LTO ang insidente sa Dermalog, ang tagapangalaga ng LTMS upang tukuyin ang sanhi ng aberya at agad na maresolba ito.
Habang isinasagawa ang troubleshooting ng internet provider, kinumpirma na ang problema ay dulot ng koneksyon sa internet. Sa pagsusuri sa paligid ng LTO Central Office, natuklasan na ang pangunahing linya na nagkokonekta sa LTMS center patungo sa internet ay naputol.
Nagpadala ng mas maraming tauhan ang internet service provider na PT&T upang ayusin ang problema at alas-6:32 ng gabi noong Miyerkules ay muling naging accessible ang LTMS.
Sinabi ni Assec Mendoza na inatasan niya ang LTO-Intelligence and Investigation Division na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy kung sinadyang putulin ang internet cable na kumokonekta sa LTMS Data Center.
“We are looking into all angles behind this incident. On the other hand, we are now taking additional measures to prevent the repeat of this unfortunate incident,” ani Assec Mendoza.
Inatasan din ni Assec Mendoza ang lahat ng kaugnay na unit na paigtingin ang seguridad sa lahat ng pasilidad ng LTO.
Nagsumite na ang ahensya ng paunang ulat ng mga natuklasan nito kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista. (PAUL JOHN REYES)
-
2 pulis-Maynila sinampahan ng kaso sa pananakit, pananakot at panunutok ng baril sa traffic enforcer ng Valenzuela
SINAMPAHAN ng kaso ng Valenzuela City Police ang dalawang tauhan ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District (MPD) dahil sa ginawa umanong pananakit, pananakot at panunutok ng baril sa isang traffic enforcer ng lungsod. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Mayor WES Gatchalian, kasong physical injury at grave threat […]
-
‘Shazam 2’ First Official Image Reveals All 6 Redesigned Superhero Suits
DAVID F. Sandberg, director of Shazam: Fury of the Gods reveals the first official look at the entire Shazam family’s new costumes. Following the success of 2019’s Shazam, Warner Bros. greenlit a sequel with Sandberg back at the helm. The first movie followed the origins of young hero Billy Batson (Asher Angel), who […]
-
KRIS, nagdesisyon na maninirahan na sa Tarlac kasama sina JOSH at BIMBY
NAGBAGO na pala ng plano si Kris Aquino kung saan siya susunod na lilipat ng tirahan. Kung dati ang gusto niya ay bumili ng isang beachfront house, na titirahan niya ng ilang buwan, hanggang sa makahanap siya ng susunod na titirahan para malayo siya sa city. At ang balak niya, ay […]