• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO district chief suspendido; Masamang behavior ng pasahero sa PUVs responsibilidad ng driver, operator at conductor

ISANG hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa Novaliches district unit ay suspendido matapos na maaresto ang limang pinaghihinalaang fixers sa labas ng opisina ng nasabing ahensya

 

 

 

Ayon kay LTO assistant secretary Jay Art Tugade na ang nasabing opisyal ay sinuspinde habang nagsasagawa ng imbestigasyon dahil sa fixing activities sa district office.

 

 

 

Hindi naman pinangalanan ni Tugade ang nasabing opisyal subalit sa website ng LTO ay lumalabas na ang hepe sa Novaliches district office ay isang nagngangalang Joseph Paul Petilla.

 

 

 

“The chief of office will be investigated. If he is found to be in connivance with the fixers, the appropriate criminal charges will be filed against him ang the other employees,” wika ni Tugade.

 

 

 

Kinausap ni Tugade ang hepe tungkol sa mga naglipanang fixers sa kanyan jurisdiction. Ayon sa nasabing hepe, ang mga fixers ay wala naman sa loob ng kanyang opisina. Subalit diniin ni Tugade na mayroong gross negligence sa parte ng nasabing hepe na siyang puwedeng grounds para sa administrative charges.

 

 

 

“We are following the principle of command responsibility. The public should rest assured that I will hold the chief of that office accountable for the fixers caught just outside the office,” dagdag ni Tugade.

 

 

 

Ang mga nasabing fixers ay nahuli ng magkaron ng pinagsanib na operasyon ang LTO at ang police Criminal Investigation and Detection Group. Ang mga naaresto ay nahuling tumatangap ng P10,500 mula sa isang poseur-buyer ng student permit. Sila ay kakasuhan dahil sa paglabag sa Republic Act 9485 o ang tinatawag na Anti-Red Tape Act.

 

 

 

Samantala, nakalagay sa isang memorandum circular na nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong March 21 na ang public utility vehicle (PUV) drivers at operators ay mabibigyan ng hindi lamang karampatang multa sa mga nangyayaring sexual harassment sa mga pasahero sa loob ng kanilang sasakyan kung hindi pati na rin kung sila ay mabigong bigyan pansin ang hindi magandang pakikutungo ng mga ibang pasahero sa bawat isa.

 

 

 

Ang nasabing memorandum ay nakasusug sa Republic Act 11313, Safe Spaces Act, na nagbibigay ng protective measures at prescription ng mga multa laban sa gender-based sexual harassment. Ang nasabing termino ay kasama ang aksyon na magreresulta ng mental, emotional o di kaya ay psychological distress sa isang tao.

 

 

 

Kasama dito ang komento na sexual, threats, cursing, catcalling, leering at slurs at walang hintong paghingi ng personal information at pagpapakita ng pribadong parte ng katawan ng isang tao.

 

 

 

Nakapaloob din sa memorandum ang iba pang bahagi ng sexual harassment tulad ng pagkuha at uploading ng letrato, video at audio recordings ng walang paalam, cyberstalking at online identity theft.

 

 

 

“To maintain the safety and convenience of the passengers, it is incumbent upon PUV operators to ensure that no acts of gender-based harassment are committed inside PUVs,” ayon sa LTFRB.

 

 

 

Nakalagay sa Memorandum Circular 2023-016 na ang isang PUV operator, driver, conductor at empleyado ay nahaharap sa P5,000 na multa at suspensyon ng kanilang sasakyan sa loob ng anim na buwan sa unang offense.

 

 

 

Sa ikalawang offense ay bibigyan sila ng P10,000 na multa at suspensyon ng sasakyan sa loob ng isang taon habang ang ikatlong offense ay may multang P15,000 at pagbawi ng certificate of public convenience (CPC).

 

 

 

Habang ang isang operator na mabigong pigilan ang ganitong pangyayari at hindi nila pinaalam sa mga awtoridad ay nahaharap sa P5,000 na multa sa unang offense. Sa ikalawang offense, ang isang operator ay bibigyan ng P10,000 na multa habang ang ikatlong offense naman ay papatawan ng P15,000 na multa at babawiin ang CPC.

 

 

 

Ang lahat ng mga PUVs ay kinakailangan din na maglagay at magpaskil ng “Bawal ang Bastos” signage sa loob ng mga sasakayan.  LASACMAR

Other News
  • Ads January 9, 2023

  • SIM registration law para labanan ang mga scam, planong amyendahan

        PLANONG amyendahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Law kasunod ng malawakang paggamit ng (SIM) card ng mga salarin upang makapandaya at mang-scam.     Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang tukuyin ang mga indibidwal o organisasyon na nagbibigay-daan sa paggamit ng mga rehistradong SIM sa mga ilegal na operasyon […]

  • Nakagugulat ang kanyang rebelasyon: BEAUTY, wini-wish na maging maayos na ang sitwasyon sa kanilang mag-ina

    KAGULAT-GULAT ang rebelasyon ni Beauty Gonzalez tungkol sa sitwasyon sa pagitan nila ng kanyang ina.     Naganap sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ang pahayag ni Beauty tungkol sa ina niyang si Carina Luche na nakatira sa Dumaguete.     Napaiyak si Beauty bago sinagot ang tanong ng King of Talk na, “I just […]