• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO: Local traffic enforcers, hindipuwedengkumpiskahin ang drivers’ licenses

PINURI  ng Land Transportation Office (LTO) ang bagong memorandum na inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa mga lokal na traffic enforcers na kumpiskahin ang mga drivers’ licenses ng mga lumabag sa batas trapiko.

 

 

 

Diniin ng DILG na ang may kapangyarihan lamang nakumpiskahin ang mga drivers’ licenses ay ang mga deputized agents ng LTO sa panghuhuli sa mga traffic violators.

 

 

 

“The LTO appreciates the action of the DILG in ordering local government units and local police forces around the country not to confiscate drivers’ licenses during apprehension for this action is solely reserved for the LTO and its deputized agents ang law enforcement personnel,” wika ng LTO sa isang pahayag.

 

 

 

Ang nasabing desisyon ay naaayon sa ruling mula sa Supreme Court at Republic Act 10930 na sinusugan ang Land Transportation and Traffic Code na siyang nagbibigay sa mga deputized LTO agents at law enforcement personnel ng sole authority upang kumpiskahin ang license.

 

 

 

Subalit iba ang pananaw ng lungsod na pamahalaan ng Manila. Kanilang ginigiit na may karapatan ang lungsod na pamahalaan ng Manila na kumpiskahin ang mga drivers’ licenses ng mga erring motorists kahit pa may order na ang DILG na inaalisan sila ng kapangyarihan.

 

 

 

“While the city government respects the policies issued by the DILG on traffic enforcers’ confiscation of motorists’ licenses, the City of Manila continues to implement its local traffic laws, according to Ordinance 8092, Traffic Code of the City of Manila,” ayon sa lungsod ng pamahalaan ng Manila.

 

 

 

Dagdag pa nila naayon sa Local Government Code na siyang nagbibigay ng kapangyarihan sa lokal na pamahalaan sa buong bansa na maaaring gumawa sila ng mga kanilang sariling batas. Kung kaya’t ito ang nagbibigay sa kanila ng assurance na maykapangyarihan ang lungsod na pamahalaan ng Manila na magpatupad ng kanilang sariling polisia kasama na rito ang pagpapatupad ng mga batas trapiko, panghuhuli ng mga traffic violators at pagkumpiska ng drivers’ licenses.

 

 

 

Ganon pa man ang lungsod na pamahalaan ng Manila ay nirerespeto ang desisyon ng DILG. Ayon din sa nasabing memo na dapat ang mga authorities maliban sa LTO ay kinakailangan na humingi ng permission mula sa huli sa pagkukumpiska ng mga drivers’ licenses.

 

 

 

Makikipag-ugnayan naman si Manila Mayor Honey Lacuna kay DILG secretary Benhur Abalos upang pag-usapan ang nasabing issue.

 

 

 

Sa kabilang dako, pinaalalahanan naman ng LTO ang mga motorista na huwag magmaneho kung nakainom o nag-take ng drugs dahil sa panganib na puwedeng idulot nito sa driver at pasahero. Mula January hanggang August ay may naitalang 476 na drivers ang nahuli dahil ng sila ay nasangkot sa mga aksidente.

 

 

 

“Time and again, we have all seen the disastrous consequences brought about by drunk or drugged driving, more importantly during the Yuletide season, where many families go out to celebrate and be merry. It is time that we change that mindset in order to avert the loss of life and property,” saad ni LTO assistant secretary Teofilo Guadiz.  LASACMAR

Other News
  • Dumaan din sa matinding depresyon dahil sa problema: ALDEN, ‘di inakalang darating sa buhay ni SHARON at mamahalin

    INAMIN ni Asia’s Multimedia Media Star Alden Richards na dumaan din pala siya ng matinding depresyon.      Naramdaman daw niya na parang wala na siyang silbi sa entertainment industry, na kung saan ika-12 na taon na niya nitong December 8.     “Parang naabutan lang ako ng maraming problema during that time,” pag-amin ng […]

  • Ads October 25, 2021

  • PBBM, nilagdaan ang IRR ng Agrarian Emancipation Act

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Martes ang  implementing rules and regulations (IRR)  ng Agrarian Emancipation Act.     Layon nito na tanggalin  ang pasanin sa pagkakautang ng mga agrarian reform beneficiaries na nagkakahalaga ng P57.57-B.     Malinaw na mabubura na ang lahat ng mga hindi nabayaran na amortization ng principal loan […]