• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO nag – iisue na ng 10-year driver’s license

Ang Land Transportation Office (LTO) ay nagisimula ng magbigay ng 10-year driver’s license noong nakaraang November 3 sa kanilang lahat ng sangay sa National Capital Region (NCR).

 

 

 

Ang lahat ng mga motorista na magpapaso ang driver’s license at magrerenew at kung wala naman silang traffic violation na nagawa ay kualipikado na kumula ng 10-year driver’s license. Ang nasabing batas ay nakalagay sa provision ng Republic Act 10930 o ang tinatawag na Land Transportation and Traffic Code.

 

 

 

“All LTO offices in Metro Manila are open to issue the 10-year driver’s license to all qualified motorists,” wika ni LTO Assec Edgar Galvante.

 

 

 

Nilinaw naman ni Galvante na kailangan muna na kumuha ng mandatory comprehensive driver’s education (CDE) program ang mga aplikante ng 10-year driver’s license. Ang aplikasyon para sa CDE ay makukuha ng libre at walang bayad.

 

 

 

“CDE requirement would not cause any undue delays in renewing a driver’s license as this is readily available through multiple channels. We intend to disseminate the program to the public so we can raise the quality of Filipino drivers and improve road safety,” dagdag ni Galvante.

 

 

 

Samantala, si House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ay naghain ng isang bill na naglalayon na alisin ang CDE bilang isang requirement sa pagkuha ng driver’s license.

 

 

 

Ayon kay Rodriguez, ang CDE ay hindi naman kailangan sapagkat ito ay walang legal basis at magbibigay lamang ito ng karagdagang gastos sa mga motorista.

 

 

 

“While it is free when done through the LTO website, it can also be obtained from accredited driving schools for up to P3,000 pesos,” saad ni Rodriguez.

 

 

 

Sinabi rin niya na ang vehicle emission testing na isa rin requirement sa pagrerehistro ng sasakyan ay nagiging sanhi rin ng korupsyon sa pamahalaan.

 

 

 

Nagkaron naman ng magandang takbo ang rollout ng programa na ginawa noong November 3 sa LTO central office at sa Quezon City Licensing Center. LASACMAR

Other News
  • Vice Mayor ng Aparri, Cagayan at 5 pa todas sa ambush

    PATAY ang Vice Ma­yor ng Aparri, Ca­gayan at lima pang kasama nito nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na naka-uniporme ng PNP, ang kanilang sinasak­yang van kahapon ng umaga sa Bagabag, Nueva Vizcaya.     Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Vice Mayor Rommel Alameda, 49, ng Aparri, Cagayan; Ale­xander Agustin Delos […]

  • Ads April 14, 2022

  • Koleksyon mula sa WISP, pumalo sa P35.84B

    PUMALO na sa P35.84 billion ang  kabuuang member savings collection  mula sa  Workers’ Investment and Savings Program (WISP).  Ang nasabing koleksyon ay mula sa 4.9 milyong miyembro ng pension fund sa panahon ng pangalawang taon ng implementasyon ng programa. Sa isang kalatas,  sinabi ni SSS president at CEO Rolando Ledesma Macasaet  na ang savings collection […]