• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO: Naghahanda na sa single ticketing system sa 2023

NAGHAHANDA na ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad ng implementasyon ng single ticketing system sa Metro Manila sa unang third quarter ng susunod na taon.

 

 

Ito ang sinabini assistant secretary Arturo Jay Tugade matapos gawin ang isang draft ng memorandum circular kung saan kanyang kukunsultahin ang mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasama na ang mga lokal na pamahalaan (LGUs)tungkol dito.

 

 

Ayon sa kanya ang single integrated ticketing system ay makapagbibigay ng isang harmonized na implementasyon ng mga road traffic rules at upang maging mas maganda ang kalagayan ng trapiko sa kalakhang Maynila.

 

 

“The idea is to clear the roads of irresponsible drivers. All roads will be carefully regulated wherein all the privileges will be given to responsible drivers on the road,” wika ni Tugade.

 

 

Sinabi rin niya na ang integrated single ticketing system ay naglalayon na masigurado na maging parehas ang pagpapatupad ng mga violations at kaukulang bayad ng mga multa na binibigay ng mga iba’t ibang LGUs at ahensya ng pamahalaan sa mga motorista.

 

 

“As of now, fines differ between agencies, causing confusion among motorists. For instance, fines for not wearing helmet by motorcycle riders range from P300 to P1,500. It will also ensure better monitoring of road violations and demerit points to be issued by the agency,” dagdag ni Tugade.

 

 

Nilinaw naman ni Tugade na ang mga local enforcers ay hindi authorized na magkumpiska ng mga driver’s licenses sapagkat ang LTO lamang ang may karapatan sa bagay naito. Ang mga traffic enforcers ay pinapayagan lamang na magbigay ng citation tickets sa mga motorista na lumalabag sa batas trapiko. “Only LTO enforcers are authorized to confiscate drivers’ licenses,” saad niTugade.

 

 

Samantala, ang Metro Manila Council ay nagbuo ng isang technical working group upang tapusin ang mga polisiya sa mungkahing single ticketing system.

 

 

Ayon kay MMC president at San Juan Mayor Francis Zamora nasiyarin co-chairman ng Regional Development Council na ang mga LGUs ay makikipagtulungan at makikipagpulong sa LTO at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) tungkol dito.

 

 

“The measure will also be beneficial for those living in the provinces. For example, if you from Ilocos or Bicol and you were caught for a traffic violation in Metro Manila, would you go back here just to pay your fines?,” sabi ni Zamora.

 

 

Sinusugan rin ni Zamora na ang single ticketing system na ipapatupad sa National Capital Region (NCR) ay makakatulong upang magkaroon ng pagluluwag ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa metropolis. LASACMAR

Other News
  • Handa nang sumabak sa pagpapa-sexy: ANDREW, nakatanggap din indecent proposal pero ‘di pinatulan

    PUMIRMA ng kontrata sa Viva Artists Agency, Inc. at sa VMX, dating Vivamax, ang hunk actor na si Andrew Gan.   “Actually, ang pipirmahan po namin is management contract at movie contract. So yung movie contract ko is mix po ng Vivamax at saka ng Viva Films,” sabi ni Andrew.   At handa si Andrew […]

  • Ads October 30, 2021

  • Ads October 3, 2020