• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO, nagpaliwanag kaugnay ng malapit nang maubos na driver license card

NAGPALIWANAG ang pamunuan ng Land Transportation Office kaugnay ng nagkakaubusang drivers license card para sa mga kumukuha ng lisensya.

 

 

Ayon sa kay Land Transportation Office Chief Jay Art Tugade, hindi na hawak ng kanilang ahensya ang procurement nitong license card.

 

 

Sa bisa ng special order ng Department of Transportation nitong January, lahat ng procurement na may halagang 50 million and above ay ipoproseso sa central office ng ahensya.

 

 

Kung maaalala mayroon nalang halos 147,000 na drivers license card base sa imbentaryo ng ahensya.

 

 

Sa halos 30,000 na transaksyon sa kada araw, itong supply raw ay aabot na lamang ng limang araw.

 

 

Bilang solusyon dito ay mag iimprenta na lamang muna umano sa papel ng mga permit. (Daris Jose)

Other News
  • Ads January 31, 2020

  • DOH nagdeklara ng Code White

    NAGDEKLARA na  ng Code White ang Department of Health (DOH) sa mga ospital malapit sa Kanlaon Volcano.     Payo ng DOH sa mga residente , mag-ingat at making sa mga  abiso ng local government officials .     Ang pagdedeklara ng Code white alert ay kadalasang ginagawa tuwing malalaking kaganapan o holidays na nagdudulot […]

  • PBBM inaprubahan ang July 29 na pagbubukas ng klase

    BILANG tugon sa mga alalahanin ng publiko ukol sa iskedyul ng mga klase, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na simulan na ang pagpapanumbalik sa school calendar ng bansa sa ‘traditional arrangement.’     Dahil dito ang pagbubukas ng klase para sa school year 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29 ngayong taon at magtatapos […]