• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO naka-heightened alert sa Undas

NAKA-HEIGHTENED  alert  ang Land Transportation Office (LTO) para matiyak na ligtas ang paglalakbay ng mga motorista sa panahon ng Undas.

 

 

Sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022”  masusing babantayan ng mga elemento ng LTO ang mga aktibidad sa  main thoroughfares at transport terminals sa mga lalawigan, bayan at lungsod mula  October 27  hanggang November 4, 2022.

 

 

Ang lahat ng  LTO regional at district offices nationwide ay naka-alerto kayat ang mga tauhan ng LTO ay walang leave at day off sa naturang mga araw.

 

 

Ang LTO ay nagkaroon din ng multi-sectoral coordination sa  mga  law enforcement, road management at iba pang  concerned government agencies  para sa maayos na preparasyon para sa Undas.

 

 

Nagkaroon din ng  Road Safety and Defensive Driving seminar ang LTO sa mga driver at konduktor ng pampasaherong bus upang mapalakas ang kampanya para maiwasan ang  pagmamaneho ng nakakainom ng alak at paggamit ng droga tuloy ay maihatid ng ligtas ang mga pasahero sa kanilang destinasyon.

 

 

“We are already anticipating our cemeteries to be teeming with more people during the week prior to All Saints’ Day compared to the previous two years since lockdowns and community quarantines have already been lifted. The public can rest assured, however, that the LTO will monitor the situation in our roads in close coordination with various transport groups and other concerned government agencies in the areas of law enforcement and medical emergency response to ensure that road safety will always be observed and maintained,”  pahayag ni  LTO Chief Teofilo Guadiz. (Daris Jose)

Other News
  • Ando pasok sa Olympics

    Idagdag na ang pangalan ni national weightlifter Elreen Ando sa naunang 10 Pinoy qualifiers para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Ito ay matapos siyang makapasa sa International Weightlifting Federation (IWF) Absolute Continental Ranking for Asia para sa women’s -64 kilogram category ng 2021 Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 18) Story by Geraldine Monzon

    SA PAGBISITA  ni Cecilia kay Madam Lucia ay hindi niya inaasahan na mapapakialaman nito ang cellphone niyang inilapag lang niya sa ibabaw ng mesa.   “Lola, hindi ka dapat nakikialam ng gamit ko!” anas ng dalaga.   “Hindi ko naman intensyon na pakialaman ‘yan, para bang may nagtulak lang sa akin na gawin ‘yon, ang […]

  • Food stamp program, balak ibalik ng DSWD

    PLANO ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibalik ang food coupon program sa ahensiya upang mapababa ang problema sa pagkagutom ng  maraming mahihirap na Pinoy.     Ayon kay Gatchalian, ang hakbang ay reaksyon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) noog nagdaang buwan na nagsasabing may […]