LUNGSOD NG ANTIPOLO, UNANG LGU SA LABAS NG NCR NA NAGLUNSAD NG COVID-19 VACCINATION
- Published on March 6, 2021
- by @peoplesbalita
Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang programa nito sa pagbabakuna laban sa COVID-19 kasabay ng seremonya ng pagbabakuna ng DOH para sa roll-out ng COVID-19 vaccine sa lalawigan nitong Marso 4, 2021 na ginanap sa Antipolo City Hospital System-Annex 4.
Tumanggap ng 300 doses ng CoronaVac vaccine ang Antipolo – ang unang vaccine na dumating sa bansa. Mga hospital chiefs at health workers mula sa 4 na pampublikong ospital ng lungsod ang unang tumanggap ng vaccine, na hudyat upang maging unang LGU ang Antipolo sa labas ng Metro Manila na nagsagawa ng kanilang COVID-19 vaccination program.
Si dating governor at mayor Dr. Jun Ynares ang nagbigay ng unang bakuna kay city health officer Dr. Lat. Tinunghayan ang makasaysayang araw nina NTF Implementer at Testing Czar Vince Dizon, MMDA General Manager Jojo Garcia, DILG ASec Felix, DOH ASec Laxamana at RD Janairo.
Magpapatuloy ang pagbabakuna sa lalawigan ng Rizal ayon sa listahan ng mga prayoridad ng DOH.
Other News
-
Ads December 2, 2024
-
FLOOD-CONTROL PROJECTS, handa na para sa LA NIÑA-PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña. “The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon. Ang […]
-
DILG, tutugisin ang mga nasa likod ng operasyon ng Guerilla POGO
SINABI ni Interior Secretary Juanito Victor ”Jonvic” Remulla Jr. na tutugisin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga nasa likod ng pagpapatakbo ng mga POGO guerilla operations. Ito’y sa kabila ng maaaring ideklara na POGO free ang bansa sa susunod na taon. Subalit ang paglilinaw ni Sec. Remulla, ” […]