Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center, nagkamit ng mga parangal sa QUILTS Awards 2022
- Published on June 6, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang panibagong pagkilala ang muling nadagdag sa listahan ng mga karangalang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan nang magkamit ang pasilidad na Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center ng dalawang malaking karangalan bilang kampeon sa parehong kategorya ng Linkage to Care at Differentiated Service Delivery and Case Management sa katatapos lang na Quality Uptake and Improvements in Lifesaving Treatment Services (QUILTS) Awards 2022 na ginanap sa Tanghalang Pasigueño, Pasig City Hall Complex, Caruncho Ave, Pasig, Metro Manila noong Mayo 31, 2022.
Ang nasabing pasilidad ang tugon ng lalawigan sa pagbibigay ng wastong pangangalaga sa mga Bulakenyong nagpositibo sa HIV at naglalayong magbigay kaalaman sa mga tao hindi lamang para bumuo at magpanatili ng mas ligtas na mga gawi, kundi magbigay rin ng ligtas na lugar upang mabawasan ang diskriminasyon sa mga taong may HIV (PLHIV).
Ayon kay Ronchie D. Santos, HIV Unit Nurse Supervisor, tumanggap ang pasilidad ng mga tropeyo at mga sertipiko ng pagkilala para sa mga katangi-tangi nitong mga nagawa sa pangangalaga at serbisyong panggagamot sa mga taong may HIV lalo na noong unang taon ng pandemya.
“Sa panahon ng pandemya, ang Luntiang Silong ay hindi natigil maibigay ang serbisyong kailangan ng ating mga PLHIV (People Living with HIV). Tayo mismo ang nanguna na sila ang matest/masuri. Tayo mismo ang pumunta sa kanilang mga bahay-bahay at lahat ng ating mga nasuring positibo ay agad-agad nakakuha ng gamutan sa loob lang ng isang araw,” ani Santos.
Sinabi naman ni Gobernador Daniel R. Fernando na hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang HIV at hinikayat ang mga Bulakenyo na magpa-test para maiwasan ang pagkalat ng virus.
“Ang pagkakaroon po ng HIV ay hindi dapat ipinagsasawalang bahala. Kung ito ay hindi papansinin at hindi magagamot, magtutuloy-tuloy po ito bilang AIDS na mas delikado sa immune system. Napaka delikado po nito kaya naman nariyan ang ating Luntiang Silong para magbigay ng mga serbisyo at kaalaman kung paano natin lalaban ang sakit na ito. Hinihikayat ko rin ang ating mga kababayan na hangga’t maaari ay magpa-test para tuluyan nating maiwasan ang pagkalat nitong HIV,” anang gobernador.
Kabilang rin ang Luntiang Silong sa mga finalist para sa Top RHIVDA Facility dahil sa mabilis na pagtatayo nito ng pasilidad at ang Meycauayan City Primary HIV Care Clinic na nanalo rin ng Adherence Award.
Ang QUILTS Awards ay isang award giving body na kumikilala sa mga partner facility at organisasyong nagbibigay ng mga serbisyong panggagamot sa mga PLHIV.
-
Mahigit 3K katao, stranded sa mga pantalan sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Kristine – PCG
INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahigit 3, 418 pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded sa 34 na mga pantalan sa Luzon at Visayas nitong umaga ng Martes dahil sa epekto ng bagyong Kristine. Sa kabuuan, nasa 162 indibidwal ang stranded sa mga pantalan sa southern Tagalog, 1,299 sa Bicol […]
-
Nakipagbarilan, drug suspect todas sa Malabon buy bust
Todas ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang suspek na si Erwin Arcega, 39 ng 41 Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog na hindi na umabot ng buhay […]
-
DPWH at Japanese experts, winakasan na ang talakayan sa panukalang P37-B road project
TINAPOS na ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga Japanese expert ang kanilang isang linggong talakayan para sa panukalang P37 billion Dalton Pass East Alignment Road Project sa northern Luzon. Ang iminungkahing proyekto ay isang four-lane na 23.5-kilometer na kalsada na magpapagaan sa matinding trapiko at magbibigay […]