• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Luzon grid isinailalim na sa red alert – NGCP

ISINAILALIM ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa pagpalya ng kuryente sa Luzon.

 

 

Dahil dito kaya pinasisilip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) ang dahilan ng pagpalya ng power generation plants.

 

 

Inamin naman ng DOE na wala silang nakikitang problema sa transmission lines dahil natapos na ng NGCP ang malaking proyekto nito, tulad ng Cebu-Negros Panay 230kilovolt backbone, Mindanao-Visayas interconnection project at Hermosa San Jose line.

 

 

Sa inisyal na paliwanag ni DOE Assistant Secretary Mario Marasigan, biglaan ang pagpalya ng Pagbilao units 1 at 2 at pinalamig pa ang system kaya hindi pa ito mapasok ng mga maintenance crew para mainspeksyon.

 

 

Bagama’t hindi pa anya matukoy ang pangunahing dahilan ng pagpalya, posible na dulot ito ng tagas sa boiler tube.

 

 

Ayon kay Marasigan, ang ganitong mga pangyayari sa mga power generation plant ay maituturing na outside management control o wala sa control ng power plant operator ang sitwasyon.

 

 

Tiniyak naman niya na nagpapatupad sila ng regular monitoring sa sitwasyon o halos 30 minutong pagbabantay, bagamat hindi pa masabi ni Marasigan kung ano ang magiging sitwasyon naman ng grid sa susunod na mga araw depende kasi ito sa magiging kondisyon ng planta.

 

 

Ipinaliwanag din ni Marasigan na ang sinasabing pagpalya ng 19 power generation plants ay hindi sabay-sabay kundi sa magkakaibang panahon ito nangyari dahil sa ibat ibang dahilan at kabilang dito ang panahon ng tag-init kaya nagbawas ng kapasidad ang ibang planta.

 

 

Habang hydro power plants ang ibang generation plants kaya nakadepende ito sa tubig at dahil bumaba ang lebel ng tubig kaya hindi kinayang makapag-fully operate. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Royal Blood’: RHIAN, nagwaging Best Actress sa ’12th KAKAMMPI OFW Gawad Parangal’

    NAGBUNGA ang husay ni Rhian Ramos sa ‘Royal Blood’ kung saan noong umeere ito sa Kapuso Network ay isa siya sa napupuri nang husto ng mga netizens sa kanyang pagganap bilang si Margaret Royales.     Nito lamang Sabado, December 16 ay ginawaran si Rhian ng parangal bilang Best Actress sa 12th KAKAMMPI OFW Gawad […]

  • Floating solar project ng Australian firm, makalilikha ng trabaho at mas malinis na industriya-PBBM

    MAKALILIKHA ng trabaho para sa mga Filipino ang floating solar project ng Australian firm sa Pilipinas.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakapulong nya ang mga opisyal ng Macquarie Group ukol sa bagay na ito.     “With Macquarie Group’s 1.3 GW floating solar project in Laguna Lake, we’re creating sustainable jobs […]

  • PSG, walang natatanggap na direktang banta o security threat sa unang SONA ni PBBM

    WALANG natatanggap ang Presidential Security Group (PSG)  na banta sa seguridad para sa unang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     “None at the moment” ang tugon  ni senior military assistant at Presidential Security Group (PSG) commander     Col. Ramon Zagala sa tanong kung may nakikita silang […]