Maaaring tumakbo bilang substitute candidate para sa pagka-senador
- Published on October 22, 2021
- by @peoplesbalita
ISINIWALAT ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may opsyon siyang tumakbo bilang substitute candidate sa pagka-senador sa 2022 elections.
“I found out just recently that PRP (People’s Reform Party) has apparently asked someone to file by way of substitution, giving me the opportunity to run on or before Nov. 15,” ayon kay Sec. Roque sa Kapihan sa Manila Bay.
Ang substitute candidates ay mayroong hanggang ngayong araw para magparehistro para sa kanilang 2022 bids.
Hindi naman alam ni Sec. Roque ang pangalan ng orihinal na PRP candidate na maaari niyang palitan.
“I don’t think it’s a mockery because it’s allowed by the law,” ani Sec. Roque sa posibleng substitution sabay sabing “Of course the first to complain are senators, then they should repeal the law.”
Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na maaari lamang siyang sumabak sa Senate seat kung magdedesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-pangulo sa susunod na taon.
Subalit, bagama’t nanguna sa survey si Mayor Sara ay makailang ulit naman nitong sinabi na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo at sa halip ay tatakbo siya na third term bilang Alkalde ng Davao.
Sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy noong Oktubre 8, sinabi ni Sec. Roque na, “Mayor Sara called me and she in fact said that I should run. She was persuading me to run.”
Aniya, habang siya ay naghahanda na ihain ang kanyang CoC ay hindi na niya itinuloy ito dahil “Ang hirap naman tumakbo na hindi ko talaga alam kung sino man lang ‘yong ulo, how much more ang ulo na I do not believe in.”
Si Sec. Roque ay kasama sa initial lineup ng guest candidates ng PDP-Laban, partido ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung saan “last minute” na pinatakbo ng partido si Senador Ronald Dela Rosa bilang kanilang standard bearer.
Sinabi naman ni Dela Rosa na mas makabubuti kung sa kalaunan ay papalitan siya ni Mayor Sara.
Ani Sec. Roque, hindi pa sila ulit nakapag-uusap ni Mayor matapos ang bagong kaganapan na ito dahil nag-positibo sa COVID-19 si Mayor Sara.
“I will reiterate my position since Mayor Sara is not running, I find it difficult to change my decision as well,” aniya pa rin.
Si Roque, taong 2019 ay tatakbo sana sa pagka-senador subalit umatras matapos na dumanas ng heart attack.
Aniya, ang kampanya ay mas mahirap para sa eleksyon sa susunod na taon dahil wala siyang
” so much more campaign contributions” noong 2019.
“There’s hardly any money that came in this time around. I think it’s because times are really hard now and the traditional campaign donors are unable to give any contribution,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Ads March 3, 2021
-
‘Sakaling dumami ang COVID cases sa NBA bubble, season ititigil uli’ – Silver
Hindi naitago ni NBA Commissioner Adam Silver ang kanyang pangamba sa posibleng pagkalat ng coronavirus sa loob mismo ng Disney World campus sa Orlando na maaaring mauwi sa tuluyang kanselasyon ng 2019-20 season. Pahayag ito ni Silver ilang linggo bago ang inaabangang pabubukas ng NBA season kung saan ilang mga players at staff na […]
-
OCTA research, tiwala sa hakbang ng gobyerno na ituloy na ang pagsasagawa ng face to face classes
TIWALA ang OCTA Research sa desisyon ng gobyerno na ipilit ang face to face classes sa darating na Agosto para sa school year 2022- 2023. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Guido David na tiwala silang naging mabusisi ang gobyerno para pagpasiyahang ikasa na ang face to face ng mga mag- […]