• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mabuti na lang na tinanggap niya ang role: DAVID, ‘di in-expect na mababago ang buhay dahil sa pagganap bilang ‘Fidel’

INIHAYAG ni David Licauco na nabago ang kanyang buhay dahil sa pagganap bilang si Fidel, ang matalik na kaibigan ni Crisostomo Ibarra sa hit portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”

 

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa “24 Oras” nitong Miyerkoles, sinabing nagbigay ng ibayong sigla sa career ni David bilang artista ang kanyang karakter.

 

“Just trying to keep it real, I guess, kasi unbelievable siya eh. Never kong in-expect. Buti na lang talaga tinanggap ko siya kasi it changed my life for the better,” sabi ni David.

 

Ayon pa sa aktor, sobra siyang masaya dahil naging malapit sa kanya ang mga co-star sa series.

 

Inihayag din ni David na naging natural siya sa emosyonal na eksena nang magpaalam sa isa’t isa nina Fidel at Klay, na ginagampanan ni Barbie Forteza.

 

Sa naturang eksena, babalik na sa kanyang tunay na mundo si Klay.

 

“Biglang naramdaman ko siya eh naturally, kumbaga hindi ko siya pinlano, naramdaman ko lang. So grabe ‘yung hagulgol ko. ‘Parang ang lungkot ko ah,’” sabi ni David.

 

Bilang pasasalamat, naghanda ng masaganang pananghalian si David sa mga bumubuo ng GMA Entertainment Group Creative Team.

 

Present si GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes at Sparkle AVP for Talent Management and Development Joy Marcelo.

 

***

 

NAGBIGAY ng payo ang kinikilala at iginagalang na aktres sa bansa na si Dina Bonnevie sa mga nakababatang artista ngayon.

 

“I’ll say it in one line: be professional. Being professional means coming to set on time, reading your script, knowing your role, memorizing your lines… and then just enjoy your work,” sabi ni Dina sa “Fast Talk with Boy Abunda,” habang kasama rin niya ang young actress na si Lexi Gonzales.

 

“Be conscientious about your other co-workers. And last but not the least, stay in shape para you’re sexy at any age,” dagdag ni Dina.

 

Inilahad din ni Dina ang kanyang mga natutunan sa maraming dekada na niyang pagiging isang aktres.

 

“I think the most important lesson that I learned is to always be conscious of other people. Be in touch. Don’t be indifferent to other people. Feel them, think of yourself in their shoes,” aniya.

 

“If you’re like that, if you’re compassionate to other people, you’ll do things right, wonderfully, and maybe even more than that,” ayon pa kay Dina.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Talon ni Obiena kasing kinang ng ginto!

    MULING ipinakita ni Ernest John Obiena ang kanyang pagiging isang elite athlete nang maglista ng bagong Philippine indoor pole vault record at angkinin ang silver medal sa World Athletics Indoor Tour Silver sa Rouen, France.     Itinala ni Obiena ang 5.91 meters para burahin ang dati niyang national mark na 5.86m sa Orlen Cup […]

  • Keanu Reeves, Donated Most Of His Matrix Salary To Leukemia Research

    KEANU Reeves, continuing to prove himself as the nicest guy in Hollywood, reports say that the actor donated most of his Matrix salary to leukemia research.     Reeves, who rose to prominence in the 1990s off the back of his performances in films like Bill and Ted’s Excellent Adventure, Point Break, Bram Stoker’s Dracula, and Speed, was cast […]

  • Ads April 21, 2022