• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mabuti na lang na tinanggap niya ang role: DAVID, ‘di in-expect na mababago ang buhay dahil sa pagganap bilang ‘Fidel’

INIHAYAG ni David Licauco na nabago ang kanyang buhay dahil sa pagganap bilang si Fidel, ang matalik na kaibigan ni Crisostomo Ibarra sa hit portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”

 

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa “24 Oras” nitong Miyerkoles, sinabing nagbigay ng ibayong sigla sa career ni David bilang artista ang kanyang karakter.

 

“Just trying to keep it real, I guess, kasi unbelievable siya eh. Never kong in-expect. Buti na lang talaga tinanggap ko siya kasi it changed my life for the better,” sabi ni David.

 

Ayon pa sa aktor, sobra siyang masaya dahil naging malapit sa kanya ang mga co-star sa series.

 

Inihayag din ni David na naging natural siya sa emosyonal na eksena nang magpaalam sa isa’t isa nina Fidel at Klay, na ginagampanan ni Barbie Forteza.

 

Sa naturang eksena, babalik na sa kanyang tunay na mundo si Klay.

 

“Biglang naramdaman ko siya eh naturally, kumbaga hindi ko siya pinlano, naramdaman ko lang. So grabe ‘yung hagulgol ko. ‘Parang ang lungkot ko ah,’” sabi ni David.

 

Bilang pasasalamat, naghanda ng masaganang pananghalian si David sa mga bumubuo ng GMA Entertainment Group Creative Team.

 

Present si GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes at Sparkle AVP for Talent Management and Development Joy Marcelo.

 

***

 

NAGBIGAY ng payo ang kinikilala at iginagalang na aktres sa bansa na si Dina Bonnevie sa mga nakababatang artista ngayon.

 

“I’ll say it in one line: be professional. Being professional means coming to set on time, reading your script, knowing your role, memorizing your lines… and then just enjoy your work,” sabi ni Dina sa “Fast Talk with Boy Abunda,” habang kasama rin niya ang young actress na si Lexi Gonzales.

 

“Be conscientious about your other co-workers. And last but not the least, stay in shape para you’re sexy at any age,” dagdag ni Dina.

 

Inilahad din ni Dina ang kanyang mga natutunan sa maraming dekada na niyang pagiging isang aktres.

 

“I think the most important lesson that I learned is to always be conscious of other people. Be in touch. Don’t be indifferent to other people. Feel them, think of yourself in their shoes,” aniya.

 

“If you’re like that, if you’re compassionate to other people, you’ll do things right, wonderfully, and maybe even more than that,” ayon pa kay Dina.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • CARLA, bumiyahe sa New York para mabili ang dream wedding dress sa kanyang dream designer

    HAPPY na ang Kapuso actress na si Carla Abellana dahil pinayagan na siyang bumiyahe to New York para makuha na niya ang kanyang dream wedding dress.     Dahil sa magkasunod na trabaho, tatlong beses daw siyang nagpaalam sa mga boss sa GMA Network bago mapayagang mag-abroad para mabili ang dream wedding dress mula sa […]

  • PBA legends ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

    PINILI ng apat na da­ting Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo.     Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny […]

  • P150 umento sa sahod, aprub na ng Senado

    PASADO na sa Senado ang panukalang P150 across the board wage increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.     Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may akda ng Senate Bill No. 2022 o ang Across-the-board Wage Increase Act, ang nasabing panukala ay approved in principle at nakatakdang pag-usapan […]