• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MADAM INUTZ, nag-alinlangan na i-share ang story sa ‘MMK’ na gagampanan ni DAWN

PARA sa kanyang first ever TV debut, pagbibidahan ni Dawn Chang ang makulay na buhay ng PBB Kumunity celebrity housemate na si Daisy Lopez, o mas kilala bilang ang viral live seller na si Madam Inutz.

Kasama ang batikang aktres na si Susan Africa, Gino Roque, at Pamu Pamorada, mapapanood ang espesyal na two-part Mother’s Day series sa Mayo 7 (Sabado) at Mayo 14 (Sabado).

Nag-alinlangan pa nung una si Madam Inutz na ibahagi ang kanyang kwento, “Ayoko talaga i-share kasi siyempre ‘yun yung mga panahon na gusto kong kalimutan, yung hirap. Pero at the same time, naisip ko bakit hindi. Gusto ko magbigay ng inspirasyon sa mga tao.”

Si Dawn naman ay naghanda nang mabuti para bigyang buhay ang maingay na personalidad ni Madam Inutz. Inilahad ni Dawn na nag praktis pa siya ng pagmumura na sikat na gawain ni Madam Inutz sa kanyang mga video.

“Ayoko lang na maging kamukha ni Madam Inutz, gusto ko na ako mismo ay maging si Madam Inutz, hindi lang sa physical or panlabas but yung buong buo na siya,” aniya.

Emosyonal din ang kanyang preparasyon para sa role dahil sa madaming paghihirap na dinanas ni Madam Inutz bilang anak at ina, “Dito kinailangan kong gamitin ang sakit ng past ko para lumabas yung tapang ko at mailabas ang tunay na Madam Inutz.”

Bago naging “Madam Inutz,” si Daisy Lopez ay laking Tondo Manila. Marami ng trabaho ang kanyang napasukan dito at abroad para makatulong sa kanyang pamilya at maipagamot ang ina na may sakit. Matapos sumubok sa online live selling, sumikat siya dahil sa kwelang pamamaraan ng pagbebenta. Napasali pa siya sa Pinoy Big Brother bilang “Ang Mama-Bentang Live Seller Ng Cavite.”

Hati man ang reaksyon ng netizens sa live selling ni Madam Inutz, hindi siya pinanghinaan ng loob na tumigil at mas lalo pang magpursige para sa kanyang pamilya.

Para kay Direk Raz Dela Torre, ang kwento ni Madam Inutz ay hindi lamang Mother’s Day tribute, “Matututunan ng viewers na tumingin nang mas malalim sa kapwa natin. Kilalanin ang mga tao na nakakausap natin at huwag basta-basta humusga dahil lahat tayo ay may iba’t ibang pinag dadaanan.”

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads June 29, 2024

  • Muling naging aktibo sa social media account: KRIS, tuloy ang laban at ‘di susuko para kina JOSHUA at BIMBY

    NABUHUYAN ng pag-asa ang mga nagmamahal kay Kris Aquino dahil muling naging aktibo ang TV host/actress sa social media, partikular na sa kanyang Instagram account.     Alam naman ng publiko na kasalukuyang nasa Amerika si Kris at hinahanapan ng lunas ang kanyang karamdamang may kinalaman sa kanyang autoimmune condition.     September huling nag-post […]

  • Mahigit 70-M na national ID naipamahagi na ng PSA

    MAHIGIT  70 milyon na mga Philippine Identification System ID (PhiID) at ePhilID ang naipamigay na sa mga rehistradong mamamayan.     Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang bilang ay hanggang Hunyo 16 na may kabuuang 70,271,330.     Sa nasabing bilang aniya ay nasa mahigit 33 milyon dito ang nabigyan na ng card […]