• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAG-ASAWA na BACKRIDING sa PRIVATELY USED MOTORCYCLE, PINAYAGAN NA

Pero mga safety experts hindi pabor sa paglagay ng metal barrier sa pagitan ng rider at angkas na pasahero.

 

Magandang balita na sana para sa mga may family-use motorcycles dahil sa wakas ay pinayagan na ang angkasan ng mag-asawa – kung kasal o hindi ay dapat bang linawin sa guidelines. Pero may dagdag gastos pa dito dahil kailangan daw ng metal barrier sa gitna ng driver at sakay nya, na pinaniniwalaan naman ng mga eksperto na mapanganib. Solusyon daw ang harang sa gitna sa social o physical distancing. Pero ang tanong nga ay kung safe ba.  Ang design ng motor ay pinag-aralan ng mga dalubhasang inhinyero at hindi mga politiko tulad ng nagbigay ng suhestiyon na ganito.  Sa palagay ng ilan, makakaapekto sa balanse ng rider at pasahero dahil parang nilagyan mo ng sariling manibela ang angkas na pasahero. Kailangan kasi sa pagmomotor, para mapanatili ng driver ang balanse ay nadadala nya ang bigat ng pasahero. Pag may aksidente ay maaring magdulot ng mas malalang sakuna ang metal barrier lalo na kapag natanggal ito at tumusok sa tao.  Magastos na, mapanganib pa. Hindi rin kaya ma-monitor ng IATF kung gaano katibay ang installation ng mga metal barrier at maari pang makaapekto sa pag-claim ng insurance kapag may nangyaring aksidente. May mga ibang eksperto na sinasabing sapat na ang naka helmet ang rider at ang angkas nito at additional shield back pack tulad sa gamit sa Indonesia. Maging ang mga motorcycle manufacturers ay duda sa safety ng metal barriers na iminumungkahi.  Nauunawaan naman natin na humahanap ang IATF ng mabisang paraan para mapanatili ang social distancing at iwasan ang hawaan. Pero kung ang papayagan lang na magka-angkas ay ang mag-asawa para saan pa ang metal barrier kung sa bahay naman ay magkasiping sila. Sana ay makita ng mga taga IATF ang katuturan ng mga opinyon dito bago ipatupad ang polisiya ng metal barrier. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Pinakamataas na bilang ng mga gumaling sa COVID sa Phl, naitala ngayong Easter Sunday; higit 11-K bagong kaso

    Mula sa 12,576 kahapon, nakapagtala ngayong Linggo ng Pagkabuhay na 11,028 na bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.     Sa tala ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 795,051 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.     Iniulat din ng DOH ang 41,205 na bagong […]

  • 3 PVL venue pasado na

    NALALAPIT nang bumalik sa ere ang Premier Volleyball League (PVL) nang pumasa sa Games and Amusements Board (GAB) ang tatlong pasilidad na gagamitin ng bagong professional women’s indoor league para sa bubble training camp sa Abril.     Ayon kay PVL president Richard Palou, prub kay GAB chariman Abraham Kahlil Mitra ang Ronac Gym sa […]

  • 800K beneficiaries, aalisin ng DSWD sa 4Ps

    SA HALIP na 1.3 milyon, aabot na lamang sa 800,000 ang mga benepisyaryo na aalisin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan. Ayon kay DSWD officer-in-charge Undersecretary Edu Punay, ang orihinal na 1.3 milyong benepisyaryo ay isinailalim nila muli sa rebalidasyon dahil ang naturang numero […]