Mag-asawang Dela Cruz papalaso sa SEA Games
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
BUO na pala ang national men’s and women’s archery team na mga tutudla sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi, Vietnam na nakatakda saa parating na Mayo 12-23.
Gigiyahan ng mag-asawang Paul Marton at Rachelle Anne Dela Cruz ang koponang puntiryang mahigitan ang nag-iisang gold medal na nakamit ng bansa nang huling ganapin ang 11-nation, biennial sports conclave sa ‘Pinas noong 2019.
Nakumpleto na ang delegasyon para sa nasabing sport pagkaraang maisagawa ng World Archery Philippines (dating NAAP) ang katatapos na national ranking & qualification tournament sa STI Gold Toe Archery Center sa Marikina nitong Pebrero 5.
Sina Dela Cruz ang tanging nakamedalya (gold) para sa ‘Pinas sa PH 30th SEA Games 2019 sa Clark Parade Grounds sa Angeles nang magkampeon sila sa non-Olympic event compound mixed team.
Swak sa men’s Olympic recurve sina Jason Feliciano, Jonathan Reaport, Girvin Garcia, Phoebe Amistoso at mag-utol na Gabrielle at Pia Bidaure. Ang mga reserba ay sina Riley Silos, Chkeil Enecio, Danielle Damares at Ketura Gonzalez.
Bubuo naman sa compound din sina Johann Olaño at Florante Matan, Andrea Robles at Jennifer Chan, 57. Reserves sina Arnold Stoney, Rojas Niño Maandig, Daphne Austria at Abbigail Tindugan. (REC)
-
DIRECTOR ZELDA WILLIAMS WOULD LOVE FOR AUDIENCES TO FEEL “A BIT MORE COMFORTABLE IN THEIR WEIRDNESS, A BIT MORE SEEN” AFTER WATCHING “LISA FRANKENSTEIN,” NOW SHOWING IN CINEMAS
When director Zelda Williams and her team first screened Lisa Frankenstein, the host asked the focus group at the end what they thought the main message of the movie was. “There was of course mention of flying body parts,” shares Williams. “But one of them, who seemed to be around 18, raised their […]
-
Olympic gold medalist Hidilyn Diaz dinapuan ng COVID-19
DINAPUAN ng COVID-19 si Tokyo Olympic gold-medalist weightlifter Hidilyn Diaz. Sa kanyang Instagram account, ay nagpost ito ng larawan ng kaniyang COVID-19 test result. Pinayuhan nito ang mga fans na sumunod sa ipinapatupad na health protocols. Nakatanggap na rin ito ng COVID-19 booster shots noong Enero 4 sa Quezon […]
-
Ipasa ang Anti-Endo Law
KINALAMPAG ng Malakanyang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na ipasa ang batas na magtutuldok sa “endo” o end of contract ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Ito’y makaraang manawagan ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin ng batas laban sa contractualization na isa sa ipinangakong […]