• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAG-DYOWA, INARESTO NG NBI MATAPOS ANG REINVESTIGATION

DINAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang mag-live-in partner dahil sa kasong Robbery with Homicide.

 

 

Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Julie Ann Navarro y Englis at Rovelyn Canete y Dayanan sa kahilingan ng panibagong imbestigasyon ni Telesforo P. Hernando kaugnay sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Noemi H. Dacuycuy, 85, isang balo na pinatay sa loob ng kanyang bahay sa  El Grande Ave., BF Homes, Paranaque City noong May 4, 2023.

 

 

Unang Inimbestigahan ng Parañaque City Police Station ang kaso  kung saan ang house helper na si Ronald Roda Roxas alias Noah ay kinasuhan ng Murder via inquest proceedings sa sala ng  City Prosecutor’s Office ng  Parañaque City noong May 6, 2023.

 

 

Sa isinagawang awtopsiya sa bangkay, lumalabas na ang sanhi ng pagkamatay ng biktima ay dahil sa blunt force trauma sa kanyang ulo at leeg, asphyxia by strangulation.

 

 

Dahil dito, lumabas na hindi siya pinatay ni Noah dahil nagsilbi ito sa biktima ng limang taon at wala siya motibo upang patayin ito. Siya rin ang tumawag ng tulong sa pamilya ng biktima at hindi ito umalis hanggat hindi natapos ang isinasagawang imbestigasyon.

 

 

Kaya taliwas sa imbestigasyon ng Parañaque Police, ang mga prime suspect ay si Julie Ann at live-in partner nito na si Rovelyn.

 

 

Base sa mga saksi, nahuli umano ng biktima na nagnakaw sila ng pera nito sa pamamagitan ng kanyang ATM na ipinagkatiwala sa kanila, subalit imbes na palayasin ay binigyan pa sila ng isang pagkakataon na makapagtrabaho .

 

 

Base rin sa imbestigasyon, isang text message ang ipinadala ni Noah noong namatay ang biktima  gayunman, lumalabas na sa konstruksyon ng messages ay kakaiba sa mga messages nito at iba rin ang mobile number na ginamit.

 

 

Lumabas din na ang withdrawal transaction record sa ATM ng biktima ay nangyari sa kanyang kamatayan kung saan ang dalawa ang nag-withdraw gamit ang nawawalang ATM.

 

 

Sa pagharap ng dalawang akusado sa NBI matapos padalhan ng subpoena, noong June 13, 2023, ininguso ni Julie Ann na si Rovelyn na siyang pumatay sa biktima na inamin naman ni Rovelyn ang pagpatay  subal;it dahil lamang umano sa pag-uudyok ni Julie Ann

 

 

Sinabi umano ni Julie Ann kay Rovelyn na ang pagpatay sa biktima ang makakasalba sa kanila upang hindi sila mabilanggo dahil nasa kanila ang perang ninakaw mula sa ATM nito.

 

 

At dahil sa pagbibigay nila ng full account at kung paano pinatay ang biktima , at sa tulong ng kanilang abogado ay naibaba ang kanilang kaso sa Robbery with Homicide. GENE ADSUARA

Other News
  • ‘NBA nalugi ng $8.3-B dahil sa COVID pandemic’

    UMAABOT umano sa 10 porsyento o katumbas ng $8.3 billion ang ikinalugi ng NBA para sa 2019-2020 season dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.   Sa naturang halaga kabilang umano sa dahilan nang pagsadsad sa kita ng NBA ay mula sa gate receipts na umaabot ng $800 million bunsod nang kawalan ng mga fans sa […]

  • PBBM, pinuri si Manny Villar sa naging papel nito para sa mas lalo pang pinahusay na ugnayan ng Pinas at Japan

    PINURI ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang business tycoon at dating  Senate president Manuel “Manny” Villar para sa naging mahalagang papel nito para lalo pang  mapahusay ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.     Ito’y matapos na saksihan ni Pangulong  Marcos ang ipinagkaloob na Order of the Rising Sun  ng Japanese government […]

  • Nagastos sa awards night data ibalik ayon kay Divina: ‘Aktor’ nina DINGDONG, nagpahayag na rin ng suporta sa sinapit ni EVA

    NAGLABAS din pahayag ang ‘Aktor – League of Filipino Actors’ bilang pagsuporta sa beteranang aktres, kaugnay sa nangyaring pambabastos daw ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa ginanap na awards night noong Linggo.   Hindi nga nagustuhan ng naturang organisasyon ng mga artista sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual.   […]