• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-ina, 1 pa timbog sa P17.5 milyon shabu sa Caloocan

ARESTADO ang tatlong umano’y big-time drug pushers kabilang ang isang online seller at kanyang ina matapos makuhanan ng higit sa P17.5 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Josephine Rada, 59, Mae Jane Rada, 23, Online Seller at Bon Joni Visda, 25, pawang residente ng B53 L3 Phase 12, Brgy. 188, Tala.

 

 

Sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN. Nelson Bondoc, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Caloocan Police Drug Enforcement Unit (DEU) mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa umano’y illegal activities ng mga suspek kaya’t isinailalim ang mga ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang makumpirma na tama ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng DEU sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo, kasama ang PDEA Northern District Office, 6th MFC RMFB-NCRPO at Tala Police Sub-Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Mina ang buy bust operation sa bahay ng mga suspek dakong 5:10 ng hapon.

 

 

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P75,000 halaga ng droga si PCpl Albert Alan Badua na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2 kilos at 575 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,510,000.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 74 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni NCRPO RD PMGEN Vicente Danao Jr. ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Mina dahil sa matagumpay na drug operation. (Richard Mesa)

Other News
  • Slaughter nagpatali na

    NAGPAKASAL na si Philippine Basketball Association (PBA) free agent Gregory William ‘Greg’ Slaughter ilang oras pagkakopo ng dati niyang team na Barangay Ginebra San Miguel sa 45th Philippine Cup 2020 championship nitong Miyerkoles ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena sa Angeles, Pampanga.   Itinali angpuso ng 32-taong gulang, may taas na 7-0 talampakan na […]

  • Antonio, 3 pa kakasa sa LGBA

    PAMUMUNUAN ng Team Sagupaan ang pagpapatuloy ng 2020 LGBA Cocker of the Year series sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Pebrero 28.   Binabalangkas ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), taya ang mahigit P1M sa 4-cock finals na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.   Sasali rito si sabong idol Patrick Antonio, na […]

  • Leader ng “Ompong Drug Group” nalambat sa buy bust sa Navotas

    MAHIGIT sa P1.2 milyon halaga ng ilegal na droga at baril ang nasamsam ng mga awtoridad sa leader ng isang “notoryus drug group” matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rodolfo Reyes alyas “Ompong”, […]