• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAG-INA ARESTADO NG NBI DAHIL SA ROBBERY EXTORTION

ARESTADO ang dalawang indibidwal ng mga ahente ng NBI- National Capital Region (NBI-NCR) sa  entrapment operation dahil sa kasong  Robbery Extortion sa Sta. Mesa, Maynila.

 

 

Kinilala ang mga naaresto na si Jingky Joy Sena at kanyang ina na si Maricar Sena.

 

 

Ayon kay NBI Director Eric Distor, nagreklamo ang biktima sa  NBI-Sarangani Districti Office (NBI-SARDO).

 

 

Ayon sa biktima, hinack ni Jingky ang kanyang Facebook account  at pinalitan ang kanyang password .

 

 

Kasunod nito, nagpadala  ng ilang sex videos ng biktima sa pamamagitan ng kanyang FB account sa kanyang mga kaibigan.

 

 

Hiningan din siya ng pera para tigilan na ang pagpapadala ng  sex videos ng biktima sa ibang tao.

 

 

Dahil sa takot ng biktima sa mag-ina, nagpadala ito  ng pera sa pamamagitan ng Palawan Express sa Maynila.

 

 

Pinayuhan naman  ng NBI-SARDO sa General Santos City,  ang biktima na maghain ng reklamo sa  NBI-NCR kaya sila lumuwas .

 

 

Napag-alaman kasi na ang mga suspek ay nakatira sa Maynila.

 

 

Kasunod nito nakipag-ugnayan ang  NBI-NCR sa tamang ahensya para sa entrapment operation.

 

 

Naaresto ang mag-inang habang kini-claim ni Maricar ang pera sa  Palawan Express Pureza Branch, Sta. Mesa, Maynila na nagkakahalaga ng  P1,500.00 at P500  na ipinadala mula sa Palawan Express Gen. Santos City Branch.

 

 

Matapos maaresto si Maricar, itinuro nito ang kinaroroonan ng kanyang anak na si Jingky kung saan naman ito naaresto.

 

 

Mahaharap sa kasong Robbery Extortion na may kaugnayan sa  RA 10175 o  Cyber Crime Prevention Act of 2012, at paglabag sa  R.A. 9995, o “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009” ang mag-inang suspek. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Tugon ng China sa COVID-19, ikinadismaya ng US?

    Dismayado umano ang Estados Unidos sa naging paraan ng China tungkol sa mabilis na paglobo ng bilang ng mga taong nadapuan ng sakit na coronavirus.   Sinabi ni National Economic Council Director Larry Kudlow na inaasahan daw ng administrasyon ni US President Donald Trump ang mas transparent na impormasyong ihahatid ng Chinese government sa publiko. […]

  • Tom Cruise Performs Another Death-defying Stunt In ‘Mission: Impossible 7’

    TO celebrate Tom Cruise’s 60th birthday, Christopher McQuarrie has shared a brand new death-defying still from Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One.     The movie star has been a part of the franchise since the first film in 1996. Brian De Palma’s original action film, which was adapted from the 1960s spy series […]

  • Durant iniligtas ang Nets sa Mavericks

    Humataw si Kevin Durant ng 24 points para iligtas ang Brooklyn Nets sa unang back-to-back losses nga­yong season matapos ungusan ang Mave­ricks, 102-99.     Bumangon ang Nets (17-7) mula sa 17-point deficit sa third quarter sa likod ng 11 points ni Durant para resbakan ang Mave­ricks (11-12) at patuloy na pamunuan ang Eastern Conference. […]