Mag-ina binaril sa ulo ng jail officer bago nagpakamatay din
- Published on March 15, 2024
- by @peoplesbalita
NASAWI ang 55-anyos na ginang at ang dalaga niyang anak matapos barilin sila sa ulo ng jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na kalaunan ay nagbaril din sa sarili sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.
Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Lanie” at ang jail officer na si alyas “Mhel”, residente ng Calderon St. Sta Lucia, Novaliches, Quezon City habang naisugod pa sa Valenzuela City Medical Center ang 27-anyos na si alyas “Mary” subalit, namatay din habang nilalapatan ng lunas.
Sa isinumiteng ulat ina P/EMS Felix Viernes at P/SSg Regor Germedia kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. dakong alas-2:45 ng madaling araw nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-ina at ng suspek na may kaugnayan sa pagkakaroon ng relasyon ng lalaki sa isa pang anak na babae ng ginang na si alyas “Bernadette”.
Sa gitna ng kanilang pagtatalo, nagpumilit ang suspek na pumasok sa bahay ng mag-ina sa Navarrette St., Brgy. Arkong Bato subalit, pinigilan siya ng mga biktima na dahilan para sila barilin sa ulo ni “Mhel”.
Matapos ang pamamaril sa mag-ina, nagpasiya namang magbaril din sa kanyang sarili si “Mhel” na nagresulta ng agaran niyang kamatayan.
Agad namang nagresponde sa lugar ang mga tauhan ni Polo Police Sub-Station-5 Commander P/Cpt. Robin Santos na silang tumawag sa Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) na nagdeklarang patay na ang ginang at ang suspek at sila ring nagdala kay “Mary” sa pagamutan. (Richard Mesa)
-
Mga world leaders nagpaabot nang pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na si Queen Elizabeth II
PATULOY ang pagpapaabot ng mga world leaders ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng namayapang si Queen Elizabeth II. Inalala ni US President Joe Biden si Queen Elizabeth noong una niya itong makita ng personal, sa taong 1982 at ang huli ay noong 2021 ng magtungo ito sa United Kingdom. “Queen Elizabeth […]
-
LRTA blacklisted contractors
NAKA-BLACKLIST ang pitong (7) contractors ng Light Rail Transit Authority (LRTA) dahil nabigo nilang tapusin ang rehabilitation works sa tamang panahon at iba pang trabaho na siyang naman pinahinto ng Commission on Audit (COA). Dahil sa report ng COA, pinasuspinde ng LRTA ang halos anim (6) na proyekto na hinahawakan ng pitong (7) contractors […]
-
SENATE BILL 2094: IBA ANG PUBLIC UTILITY sa PUBLIC SERVICE, at ang EPEKTO sa PUBLIC LAND TRANSPORTATION
Sa mahabang panahon ang public land transport ay itinuturing na public utility business kaya naman ayon sa nationality restriction provision ng Saligang Batas ay dapat at least 60 percent ay pagaari ng mga Pilipino. Ibig sabihin ay maaring pumasok sa public transport ang mga dayuhan basta hindi lalampas sa 40 percent ang kanilang […]