• April 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-ingat sa abo ng Taal – DOH

NAGLABAS ng mga paalala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na malapit sa Bulkang Taal sa mga panganib sa kalusugan na idudulot ng paglanghap ng nakalalasong ibinubuga ng nag-aalburutong bulkan.

 

 

“Ang sulfur oxide ay isang nakalalasong usok na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at hayop, pati na rin ang mga halaman. Maaari kang ma-expose rito sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin na may sulfur oxide o sa pamamagitan ng skin contact,” ayon sa DOH.

 

 

Partikular na pinaalalahanan ng DOH ang mga taong mahihina ang baga, may sakit na hika, may sakit sa respiratory na maaaring magdulot ng hirap sa paghinga.

 

 

Bukod dito, maaaring magdulot ang sulfur oxide ng pangangati ng bala, pangangati ng mata, mucus secretion, bronchitis, pag-uubo at hika.

 

 

“Ang matagal na pananatili o paglanghap ng mataas na konsentrasyon ng hanging ito ay maaaring magdulot ng pamamaga at iritasyon ng baga at mga daluyan ng hangin.

 

 

Pinayuhan ng kagawaran ang mga nakatira malapit sa bulkan na palagiang magsuot ng face mask na panlaban sa sulfur oxide hindi lang sa COVID-19, pagsasara ng mga pinto at bintana ng bahay, at huwag lumabas kung hindi naman kinakailangan.

Other News
  • Ads June 24, 2024

  • NAVOTAS, PSA SINIMULAN NA ANG PAGPAPATALA PARA SA NATIONAL ID

    SINIMULAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapatala ng biometric ng Navoteños sa Philippine Identification System (PhilSys).     “The national ID will give them not just proof of their identity, but will make it easier for Navoteños to avail of all social services and government benefits […]

  • Mga nagawa ni PBBM gamiting pundasyon sa gagawin ni Laurel sa DA

    Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin  Romualdez ang pagtatalaga ni Pangulong Marcos  sa negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay Romualdez, maaaring gamitin ni Laurel ang mga nagawa ng pangulo sa sektor ng agrikultura at pangingisda bilang pundasyon ng kanyang mga gagawing reporma sa ahensiya para maparami ang […]