MAG-INGAT sa PAGBILI/PAGSALO sa mga SASAKYAN – mga SINDIKATO TALAMAK na NANGBIBIKTIMA ng mga BUYERS
- Published on January 18, 2023
- by @peoplesbalita
ISA sa mga lumapit sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para magpatulong ay may kakaibang karanasan sa pagbili ng sasakyan.
Naghangad na bumili ang biktima ng sasakyan at sa isang sikat na on-line market siya tumingin. Nang may nakursunadahan ay nakipagkita siya sa seller. Isang Montero na halos Isang Milyon piso ang halaga ang ipinakita sa kanya sa parking lot ng isang sikat na mall. Hindi gaanong bihasa sa pag inspect at pagbusisi ng dokumento ang biktima kaya lalong madali na nakumbinsi sya ng seller. Maliban sa sasakyan ay pinakita sa kanya ang isang blankong deed of sale na pirmado daw ng registered owner at ang OR/CR.
Kinabukasan ay nagkita ang biktima at selker sa bangko at cash na binayaran ang sasakyan. Noong unang taon na pinarehistro ng biktima sa LTO ay narehistro pa ang sasakyan. Pero sa ikalawang taon ay sinabi sa kanya ng LTO na hindi tugma ang plate number sa sasakyan. At nairehistro na raw ang sasakyan na may ganung plate number sa ibang LTO office kaya kaagad na in-impound ang nasabing Montero. Laking gulat ng biktima!
Ilan ulit niya na kinontak ang seller pero cannot be reached na ito. Sa tulong ng LCSP volunteers ay natukoy namin ang registered owner ng Montero. Nagulat ang owner na nabenta ang sasakyan. Peke ang pirma niya sa deed of sale at MATAGAL NA NIYA ISINUKO SA BANGKO ANG MONTERO dahil hindi na niya kaya bayaran ang monthly payment sa nito.
Kung naisuko na sa bangko paano ito napunta sa seller? At paano na iba ang plate number? Paano narehistro sa LTO noong unang pinarehistro ito?
Sinulatan na ng LCSP ang bangko upang malaman nila na ang na isang sasakyan na isinuko sa kanila ay nailabas at naibenta na may pekeng plate number.
Isang paalala ng LCSP – magingat sa pagbili ng sasakyan lalo kung pasalo ito at lalo kung hindi alam ng bangko ang transaction. Huwag magtiwala basta-basta na nag-a-ahente at wala ang registered owner. Ipa-verify sa LTO ang status ng sasakyan. Kung hindi pa fully paid sa bangko ay lalong mag-ingat. May mga lumapit din sa LCSP na yung nakabili ay kinasuhan pa ng carnapping.
Makikipag-ugnayan ang LCSP sa mga Transport Agencies tungkol sa modus na ito.
Sino man pong may mapait na karanasan na tulad nito ay maari pong lumapit sa LCSP sa #97C Matatag st, Piñahan Quezon City (malapit lang ito sa SSS building sa East Avenue, Quezon City). (ATTY. ARIEL INTON)
-
‘Houston Rockets balak i-trade si John Wall’
Lumutang ngayon ang umano’y balakin ng Houston Rockets na bitawan na rin patungo sa ibang team ang kanilang veteran guard na si John Wall. Ang hakbang ng Rockets ay ilang linggo bago magsimula ang bagong NBA season habang sa katapusan ng buwan na ito ay isasagawa na training camp. Sinasabing gusto […]
-
Ads January 7, 2021
-
Ads October 16, 2020