Mag-live-in partner na ‘tulak’ isinelda sa P170K droga sa Valenzuela
- Published on March 16, 2024
- by @peoplesbalita
MAGKASAMA hanggang sa kulungan ang isang mag-live-partner matapos makuhanan ng mahigit P170K halaga ng droga nang matiklo ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina alyas ‘Jericho’, 22 at alyas ‘Mica’, 29, kapwa ng Santos Compound, Bukid St., Brgy. Malinta.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Major Rivera na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng magpartner kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang makumpirma na positibo ang ulat, ikinasa ng DDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Regie Pobadora ang buy bust operation kontra sa mga suspek, katuwang ang Malinta Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Cpt. Doddie Aguirre.
Matapos tanggapin ni ‘Jericho’ ang P500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama si ‘Mica’ dakong alas-9:00 ng gabi sa labas ng kanilang bahay.
Ani DDEU investigator PSSg Elouiza Andrea Dizon, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 25 grams ng hinihinalang shabu, 5 grams ng marijuana na umaabot lahat sa halagang P170,600, buy bust money at isang timbangan.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang DDEU sa kanilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Committee on Dangerous Drugs sa insidente na kinasangkutan ni Mayo
SUPORTADO ng isang mambabatas ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., na may malawakang pagtatangka para pagtakpan umano sa pagkakaaresto kay dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga. Ayon kay Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang […]
-
Phivolcs, hindi pa nakikitang may pangangailangan na ilagay sa “higher alert level” ang Bulusan
HINDI pa nakikita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang pangangailangan na itaas ang Bulusan Volcano sa Sorsogon sa Alert Level 2 sa kabila ng panibagong pagputok, araw ng Linggo. Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, malaki ang posibilidad ng muling pagputok ng bulkan matapos na pumutok ito ng madaling araw […]
-
30% lang ng Pinoys ang gustong magpabakuna
Nasa 30 porsiyento lang ng populasyon ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19 kaya balak ng gobyerno na gawing kondisyon sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang pagpapabakuna. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isang malaking hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong magpabakuna. “Iyong mga pag-aaral po nagpapakita na […]