• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-live-in partner na tulak kulong sa P374K shabu sa Valenzuela

ISINELDA ang mag live-in partner na tulak ng illegal na droga at kapwa listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng halos P.4 milyon halaga ng umano’y shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina John Erwin Reyes, 24, at Michaela Sevilla alyas “Ella”, 19, kapwa ng 125 Dulong Tangke, Brgy. Malinta.

 

 

 

Ayon kay Col. Destura, dakong alas-6:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng iligal na droga ng mga suspek kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa kanila ng P1,000 halaga ng shabu.

 

 

 

Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa mga suspek ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto ang mag partner.

 

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 55 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P374,000, marked money, P600 seized money, dalawang cellphones, dalawang valid IDs at coin purse.

 

 

 

Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Valenzuela CPS sa kanilang matagumpay na drug operation habang mahaharap naman ang mga suspek sa kasong pagpalabag RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • DOH, isiniwalat ang komprehensibong aksyon upang matugunan ang mga problema sa nutrisyon sa PH

    TINUTUGUNAN ng DOH ang isang komprehensibong diskarte na sumasaklaw hindi lamang sa mga umiiral na isyu laban sa undernutrition ngunit kabilang din ang mga alalahanin na may kaugnayan sa over nutrition, micronutrient malnutrition, at food security.     Ito ang isiniwalat ni Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Enrique Tayag bilang kasama sa mga “multi-faceted […]

  • 5 huling cyclones, sinaid ang P1B quick response fund-DSWD

    NASIMOT ang P1 billion na quick response funds ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos gastusin sa mga biktima ng limang huling tropical cyclones na tumama sa bansa. “More than P1 billion yung total humanitarian assistance na po ang naipamahagi ng inyong DSWD. Out of that, more than 1.4 million na family food […]

  • Huwag nang hintayin pa ang ‘last minute’

    UMAPELA ang pamahalaan sa mga motorista na huwag nang hintayin pa ang “last minute” para makakuha ng radio frequency identification (RFID) stickers at maipakabit sa kanilang sasakyan.   Bahagi ito ng paghahanda para sa cashless scheme sa mga major toll roads simula sa Disyembre.   Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na iniurong ng Department […]