• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-tita na sina Helen at Sharon, pararangalan din… TITO, VIC & JOEY, pasok sa sampung Icon awardees ng ‘The 5th EDDYS’

SAMPUNG tinitingala at nirerespetong alagad ng sining ang bibigyang-pagkikilala sa gaganaping The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

 

Tulad ng mga nagdaang taon, 10 mahuhusay at itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pararangalan ng SPEEd bilang mga Icon awardees ngayong 2022.

 

 

Ito’y para sa hindi matatawarang kontribusyon at pagmamahal nila sa movie industry sa loob ng mahabang panahon.

 

 

Ang The EDDYS Icon honorees ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador at Roi Vinzon. Kasama rin sa bibigyang-parangal ang mga dekalibreng aktres na sina Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Alma Moreno at Sharon Cuneta.

 

 

Para naman sa mga special awards ng ikalimang edisyon ng The EDDYS ipagkakaloob ang Joe Quirino Award sa entertainment journalist at TV correspondent na si Mario Dumaual.

 

 

Ang scriptwriter at dati ring editor na si Eric Ramos ang tatanggap ng Manny Pichel Award habang ang Rising Producer Circle award ay ipagkakaloob sa Rein Entertainment.

 

 

Ang Viva Films naman ang napili ng SPEEd bilang Producer of the Year.

 

 

Para sa Isah Red Award, pararangalan naman sina Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas; Kapuso Foundation at Sagip Kapamilya.

 

 

Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado para sa iba’t ibang kategorya ng 5th The EDDYS.

 

 

Maglalaban-laban para sa Best Film ang “Arisaka” (Ten17 Productions), “Big Night,” (IdeaFirst Company) “Dito at Doon”, (TBA Studios); “Kun Maupay Man It Panahon” (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment), at “On The Job: The Missing 8” (Reality Entertainment).

 

 

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Erik Matti (On the Job: The Missing 8); Mikhail Red (Arisaka); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); at JP Habac (Dito at Doon).

 

 

Sa pagka-Best Actress, magsasalpukan sina Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam); Maja Salvador (Arisaka); Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon); at Alessandra de Rossi (My Amanda).

 

 

Sino naman kaya ang tatanghaling pinakamagaling na aktor sa The 5th EDDYS mula sa mga nominado na sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8); Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda)?

 

 

Para sa Best Supporting Actress category nominado sina Janice de Belen (Big Night); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night); Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas); at Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon).

 

 

Samantala, magpapatalbugan naman sina John Arcilla (Big Night); Mon Confiado (Arisaka); Christopher de Leon (On The Job: The Missing 8); Ricky Davao (Big Night); at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8) ang matutunggali sa Best Supporting Actor category.

 

 

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay ipiniprisinta ng Globe Telecom sa pakikipagtulungan ng Beautederm, NCCA, MET at sa suporta ng Tanduay. Kasama rin si Dr. Carl Balita ng Dr. Carl Balita Foundation, JFV Rice Mill at si Bataan Rep. Geraldine B. Roman.

 

 

Katuwang din ng SPEEd sa pagdaraos ng The EDDYS ang Fire And Ice Media and Productions, Inc., ang kumpanyang itinatag nina Liza Diño at Ice Seguerra.

 

 

Magaganap ang ikalimang edisyon ng The EDDYS sa November 27 sa Metropolitan Theater (MET) na ididirek ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra. Magsisilbi namang host ng event ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda.

 

 

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmma-kers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.

 

 

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Eugene Asis (ng People’s Journal) bilang presidente.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Benepisyaryo ng 4PS na nais magpabakuna, dumami – DSWD

    Matapos pagbantaan na hindi makatatanggap ng kanilang benepisyo, mas marami nang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nais nang magpabakuna kontra COVID-19.     Inamin mismo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Glenda Relova na marami talagang 4Ps beneficiary ang takot na magpabakuna dahil sa sabi-sabing masamang epekto. Pero […]

  • Discover the new characters joining Gru’s chaotic adventures in “Despicable Me 4”

    IT’S been seven years since the last “Despicable Me” movie graced theaters. So, what has everyone’s favorite villain-turned Anti-Villain League (AVL) agent been up to?       In this eagerly awaited “Despicable Me 4,” Gru (Steve Carell) faces a whirlwind of changes. With the arrival of his and Lucy’s (Kristen Wiig) new baby, Gru’s […]

  • DOTr pinagtanggol ang “no vax, no ride” na polisia

    Pinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang inilabas nilang Department Order (DO) 2022-001 tungkol sa “no vax, no ride” polisia kung saan sinabi nila na hindi ito anti-poor.       Nilinaw at diniin ng DOTr na ang polisia ay hindi naman nagbabawal sa mga tao na maglakbay.     “The policy is not anti-poor […]