Maganda ang magiging labanan sa Summer MMFF: COCO, GERALD at BELA, nanguna sa eight official entries
- Published on February 25, 2023
- by @peoplesbalita
INIHAYAG na ng Metro Manila Film Festival noong Biyernes ng hapon ang eight official entries para sa first summer edition ngayong Abril.
Nanguna sa mga pelikula para sa Summer Metro Manila Film Festival ang “Apag” ng Center Stage Productions na pinagbibidahan ni Primetime King Coco Martin. Mula ito sa direksyon ni Brillante Mendoza, kasama sina Lito Lapid, Jacklyn Jose, at Gladys Reyes.
Pasok din ang “Unravel: A Swiss Side Love Story” ng Mavx Productions, Inc. na pinagbibidahan ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson at Kapuso actress ma Kylie Padilla. Sa direksyon ni RC delos Reyes.
Dalawang comedy movies naman ang napili na maging bahagi ng summer filmfest, ang “Single Bells” nina Alex Gonzaga, Aljur Abrenica at Angeline Quinto, sa direksyon ni Fifth Solomon; at ang “Here Come The Groom” ni Chris Martinez kasama sina Enchong Dee, Kempee de Leon, Awra Briguela, Maris Racal, Xilohuette, at Kalad Karen, na umaasang maginh tagumpay rin tulad ng “Here Comes The Bride.”
Isang musical ang “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” – na kung saan tampok ang mga musika ni Rey Valera. Ang pelikula ay idinirek ni Joven Tan at bibida naman sina RK Bagatsing at Meg Imperial, kasama ang all-star cast.
Balik naman sa pagdi-direk si Bela Padilla “Yung Libro sa Napanuod Ko” na mula sa Viva Films. Siya rin ang bida sa pelikula at katambal niya ang South Korean actor na si Yoo Min-gon.
Ang dalawa pang pelikulang kumukumpleto sa walong entries ay ang award-winning sa international filmfest na “About Us But Not About Us” ni Jun Robles Lana na pinagbibidahan nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas; at ang “Love You Long Time” ni JP Habac na pinagbibidahan ni Carlo Aquino, kasama si Eisel Serrano.
Ayon MMFF, 33 pelikula ang isinumite para suriin ng komite at walo nga lang ang puwede nilang piliin. At mukhang maganda ang magiging labanan sa naturang filmfest, na inaasahang kumita ang lahat ng pelikula.
Ang summer festival ay magsisimula Abril 8 hanggang Abril 18 kung saan ang Parade of Stars ay nakatakda sa Abril 1 at Awards Night ay gaganapin muli New Frontier Theater, QC sa Abril 11.
(ROHN ROMULO)
-
Alert Level 0′ , posible kung ang COVID-19 ay magiging endemic —Densing
POSIBLENG ipatupad ang “Alert Level 0” status kung idedeklarang endemic ang COVID-19 sa bansa. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na ang alert status ay puwedeng ihatol kung ang COVID-19 ay hindi na nakakaapekto sa buong bansa. “Ang […]
-
PBBM, mas gustong mag-produce ang Pinas ng sarili nitong farm machineries
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ang Pilipinas ng sarili nitong farm machineries. Napansin kasi ng Pangulo na masyado ng umaasa ang PIlipinas sa pag-angkat o importasyon. Ayon sa Chief Executive, kailangan na i-develop ng bansa ang kakayahan nito na mag-produce ng sarili nitong farm machineries. Tinukoy naman ng Pangulo ang mga nagawang […]
-
Q&A WITH “MALIGNANT” DIRECTOR-WRITER JAMES WAN: “THE KEY IS TO SCARE IN A FRESH, UNIQUE WAY”
MASTER of modern horror James Wan returns to his roots as both writer and director with the new original horror thriller “Malignant.” [Watch the film’s new vignette at https://youtu.be/OCQ_H3_lwFE] A fresh, new brand of horror thriller with a surprising mystery, “Malignant” tells the story of Madison (Annabelle Wallis) who is paralyzed by […]