Magha-house tour pagkatapos ng teleserye nila ni Alden: BEA, dream na magka-bahay sa Europe kaya pumunta ng Madrid
- Published on May 16, 2022
- by @peoplesbalita
NATAPOS na ang Election 2022 sa bansa, pero ang mga netizens at viewers ng top-rating GMA Telebabad romantic-drama series na First Lady ay hindi pa tapos at sumisigaw pa sila ng suporta kay First Lady Melody na kandidatong Presidente ng bansa.
Bakit hindi si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) ang muling kumandidato? Nagkaroon kasi ng assassination attempt sa buhay ni PGA, at hospitalized pa siya, kaya si Melody ang napusuan ng kanyang mga ka-alyado para palitan siyang kandidato sa eleksyon.
Tinanggap naman ni Melody ang hamon sa kanya bilang president ng Pilipinas, at kalaban niya si Senator Allegra Trinidad (Isabel Rivas), pero hindi naging madali sa kanya ang ginawang desisyon. At sa Twitter at Facebook, bumuhos ang suporta para kay Melody. Tanong nga sa social media, “kung makaboboto kayo, sino ang iboboto ninyo sa pagkapresidente?
At tulad ng tunay na eleksyon, nakatikim si Melody ng bashings ng mga kalaban niya, tulad nang “ipagkakatiwala ba natin ang buhay natin sa isang tulad niyang walang alam dahil isa lamang siyang yaya?” May nagpadala pa sa kanya ng uniform ng isang yaya at iyon daw dapat ang isuot niya.
Pero hindi nanghina ang loob ni Melody, sa isang kampanya ay isinuot niya ang yaya uniform at sabi niya “tapat akong maglilingkod sa mga tao at hindi ko ikinahihiya na isa lamang akong yaya, pero malakas ang loob ko at hindi ako magpapatalo!”
Sa June 30, 2022 na ang proclamation ng ating newly-elected President of the Philippines, sabayan din kaya ito ng proclamation ni First Lady Melody? Ang First Lady ay napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.
***
NAKA-TAPING break si Bea Alonzo sa Start-Up kasama sina Alden Richards at Jeric Gonzales, kaya nagkaroon siya ng chance na magawa ang ika-100 episodes ng kanyang YouTube vlog.
May 2.51 million subscribers na si Bea. At ang latest vlog nga niya ay tungkol sa pagpunta niya sa Madrid, Spain, last March, bago siya nagsimulang mag-taping ng first teleserye sa GMA Network.
On her new vlog, Bea shared kung bakit siya pumunta sa Madrid. Ito ay para tumingin ng isang apartment doon dahil isa raw niyang dream ay magkaroon ng sariling bahay sa Europe. Kaya personal siyang pumunta ng Madrid, at nag-apartment hunting siya.
At sa six apartments na pinagpilian niya, ang napili niya ay iyong may elevator na magagamit ng mommy niya at ng mga pamangkin niya kapag naroon sila. Kaya ang promise ni Bea sa kanyang vlog, kapag natapos na ang teleserye nila nina Alden, babalik siya sa Madrid at gagawa siya muli ng isang vlog na iha-house tour naman ang mga subscribers sa nabili niyang bahay sa Madrid.
***
TULOY na tuloy na pala ang movie na pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Jasmine Curtis-Smith.
Kaya pala nag-tape nang ilang summer episodes si JLC ng sitcom niyang Happy ToGetHer sa Boracay, dahil magiging busy naman siya kapag nagsimula na sila ng shooting ng movie, na malamang lock-in din. Wala pang binanggit na title ng movie na isu-shoot nila at kung saan ang location nila.
Marami raw nagsasabing maswerte si Jasmine, dahil after niyang makatambal ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa GMA Telebabad na The World Between Us, ang best actor awardee naman ang bago niyang leading man.
(NORA V. CALDERON)
-
NTF may kondisyon sa planong ‘limited face-to-face learning’ ng CHED, DepEd
Nagbigay ng ilang kondisyon at guidelines si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. kaugnay sa binabalak ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na posibleng pagkakaroon ng limited face-to-face learning sa mga paaralan. Sinabi ni Sec. Galvez, dapat may dormitoryo kung saan mananatili ng ilang buwan […]
-
Bayan Muna ipaparating sa SC ang pagkuwestiyon sa pagmamadaling maipasa ang 2025 national budget
NAKATAKDANG kuwestiyunin sa Korte Suprema ng grupong Bayan Muna ang ginawang pag-sertipika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa 2025 budget bill. Sinabi ni Bayan Muna chairpeson Neri Colmenares, na ang nasabing executive power ng pangulo ay inilalaan tuwing may kalamidad at anumang emergency. Dagdag pa nito na mayroon na silang parehas […]
-
Mandatory quarantine period, maaaring bawasan at gawing 10 araw ang 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW
MAAARING bawasan sa 10 araw ang mandatory quarantine period mula sa 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW. “So ito po ‘yung proposed changes as we have already mentioned. We can shorten the duration of quarantine from 14 days. If there are no symptoms to the end of 10 days,” ayon […]