• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magiging host din ng isang reality show: RS, may movie kasama ang Superstar at National Artist na si NORA

AYAW sana ni RS Francisco na tanggapin ang offer ng AQ Prime na mag-host ng reality show.

 

 

 

Kaya naisip niya na kausapin muna si Atty. Aldwin Alegre para siya mismo ang magsabi na ayaw niya. Pero matapos nilang mag-usap ay nakumbinsi siya na gawin ang reality show.

 

 

 

Tinanggap din niya ang offer na maging creative manager ng AQ Prime. Nakita niya kasi na maganda sng vision ng AQ Prime para sa entertainment industry.

 

 

 

Magiging katuwang din ng AQ Prime ang Frontrow para sa mga projects ng bagong lunsad na streaming application.

 

 

 

Hindi rin tinitignan ni RS na kalaban o competition ang AQ Prime ng Vivamax or Juanetworx na pawang streaming platforms din.

 

 

 

“Iisa lang naman ang objective namin – to give jobs sa mga kasamahan natin sa entertainment industry. Mss maraming job opportunities, the better for the stars and directors,” pahayag ni RS sa launching ng AQ Prime Live.

 

 

 

Bukod sa adult content na mapapanood sa ‘Director’s Cut’, kabilang ang sexy movies na may hubaran at intense sexual content, marami pang ibang palabas na pwedeng abangan sa AQ Prime.

 

 

 

For only P129 ay pwede na kayo mag-download ng AQ Prime app good for one month. At bilang introductory offer, P100 for the first month, P1 lang ang bayad for the second month at libre ang third month ng subscription mula ngayon hanggang September 30.

 

 

 

Ibinalita rin ni RS na may gagawin siya na movie kasama ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ms. Nora Aunor.

 

 

 

***

 

 

 

ANG bongga naman ni RJA contract artist na si Alisah Bonaobra.

 

 

 

Napili siya ng veteran composer na si Cecille Azarcon-Inocentes para makasama sa birthday concert nito sa November, dahil sobra itong na-impress kay Alisah.

 

 

 

Excited nga si Alisah sa kanyang forthcoming trip dahil baka magkaroon din siya ng chance na makipag-collaborate sa ibang artist abroad para mag-recording.

 

 

 

Ni-record ni Alisah ang Cecile Azarcon-Inocentes composition titled “Ikaw ang Lahat sa Akin.”

 

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Pagkakaisa at sigla pa rin ng sports asam ni Milby

    DINADALANGIN ni Philippine Rugby Football Union (PRFU) secretary general at national rugby team member Ada Milby ang pagkakaisa at masiglang PH sports sa kabila na may pandemya pa rin.     Siya ang unang babaeng naging kasalukuyang kasapi ng World Rugby Council WRC) kahit hindi pinalad na manalo bilang second vice president ng Philippine Olympic […]

  • Kasama sa OST ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: “Sasabihin Ko Na” ni WILBERT, siya rin pala ang nagsulat

    ANG newest digital series ng Puregold Channel, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, ay patuloy na humahatak sa mga manonood na may hindi maikakailang chemistry sa pagitan ng mga bida na sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), ang retailtainment pioneer ay nagpapalakas ng kilig sa karanasan sa serye.     Iniimbitahan na ngayon ng […]

  • Bowlers, judoka sumikwat ng ginto

    HABANG tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.     Dalawang gold medals lamang ang nakamit ng mga Pinoy athletes mula sa national men’s bowling team at kay judoka Rena Furukawa kahapon.   […]