• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magiging matinding kalaban ni ‘Black Rider’: JON, hanga kay RURU dahil parang ‘di nasasaktan

PAGKATAPOS ng kanyang pagganap bilang hired assassin sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’, binigyan ng pinakamalaking kontrabida role si Jon Lucas bilang si Calvin Magallanes sa ‘Black Rider.’

 

 

 

Si Jon ang magiging matinding kalaban ni Ruru Madrid sa action-serye ng GMA Public Affairs.

 

 

 

Ayon kay Jon, abangan daw ang mga fight scenes nila ni Ruru dahil kapwa raw nilang pinaghandaan ito physically and mentally.

 

 

 

“Sobrang matindi ang sabong ni Black Rider sa Golden Scorpion. Pinag-aralan namin ng husto yung routine para hindi kami magkasakitan ni Ruru. Pero iba si Ruru, parang hindi nasasaktan! Bakal na ang katawan!” tawa pa ni Jon.

 

 

 

Proud naman si Ruru kay Jon dahil kapatid niya ito sa INC at hindi raw biro katapat ito sa fight scenes dahil mahusay kumilos at mahusay na kontrabida.

 

 

 

***

 

 

 

MULING tumanggap ng parangal si Jessica Soho.

 

 

 

Ginawaran siya bilang Global Awardee for Journalism at the 13th The Outstanding Filipino Awards (TOFA).

 

 

 

The awarding event took place at the Zipper Concert Hall in Los Angeles, California.

 

 

 

“Maraming salamat po sa 13th Annual TOFA Awards para sa pagkilala sa ating host na si Ms. Jessica Soho bilang Global Awardee for Journalism para sa kanyang natatanging kontribusyon sa larangan ng pamamahayag,” post pa ng KMJS wrote on Facebook.

 

 

 

In 2022, KMJS became the first-ever winner of the Top Media Publisher trophy at the TikTok Awards, as Ma’am Jess recognized at the Reader’s Digest Trusted Brand Awards as one of the most trusted news personalities.

 

 

 

In the same year, the story “Ranelyn’s Dress” which aired on KMJS won the bronze medal at New York Festivals.

 

 

 

***

 

 

 

PASABOG ang Halloween costume ni Heidi Klum sa kanyang annual Halloween Party sa New York City.

 

 

 

This year, isang colorful peacock si Heidi at ang kanyang feathers at buntot ay mga performers ng Cirque de Soleil. And mister naman ni Heidi na si Tom Kaulitz ay suot ay malaking peacock egg.

 

 

 

Every year ay pabongga nang pabongga ang costumes ng 50-year old supermodel at judge ng America’s Got Talent. Kaya siya tinawag na Queen of Halloween.

 

 

 

Sinimulan niya ito noong 2000 at mga naging costumes niya ay si Jessica Rabbit, Princess Fiona, Teen Wolf, Alien, Human Body, Indian Goddess, Cloned Heidi, Cleopatra, Giant Butterfly at isang Giant Rain Worm.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Speaker Ferdinand Martin Romualdez pinuri ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura sa kahilingan ni Teves

    PINURI  ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura nito sa kahilingan ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na political asylum sa nasabing bansa.     Sa pagtanggi na ito ng naturang bansa, muling nanawagan ang speaker kay Teves na umuwi na ng Pilipinas, ayusin ang kanyang suspensiyon sa Kamara […]

  • Halos 5,000 indibidwal, nakatanggap ng P35.35 million na tulong medikal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office

    NAGLABAS ng P35.35 milyon na tulong medikal ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa kabuuang 4,704 na kwalipikadong benepisyaryo sa buong bansa mula Enero 9 hanggang Enero 13.     Sa pagbanggit sa datos na inilabas, sinabi ng ahensya na ang mga pondo ay inilabas sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Medical Access Program.     […]

  • MARIS, pinagdududahan ng netizens kung may relasyon na sila ni RICO

    KAARAWAN ni Rico Blanco noong Miyerkules, pero more than his birthday, ang naging pagbati ni Maris Racal sa kanya ang napag-usapan.     Ang tanong ng netizen na ikinagulat ng halos lahat, “sila ba?”     Nag-post si Maris sa kanyang Instagram account ng picture ni Rico at ang ikalawang post niya, habang tinutugtugan siya […]