• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magiging part ni KC, wala pa ring details: SHARON, naninibago pero excited na masaya sa concert nila ni GABBY

ISA si Megastar Sharon Cuneta sa mga excited na sa papalapit na “Dear Heart: The Concert” nila ni Gabby Concepcion sa SM Mall of Asia Arena sa October 27, 2023. 
Na kung saan masasaksihan na ng kanilang masusugid na fans ang muli nilang pagtatanghal on stage.
Say ni Sharon,  “Naninibago ako, the concert is a brand new experience pagkalipas ng marami ring taon  na wala kaming ginawang dalawa na magkasama at ngayon we’re working together again.
“Excited ako at masaya.  Ang tagal na rin na naghihintay ang mga followers namin muli kaming mapanood, they missed us together,, tumayo lang kami, may effect na, naroon pa rin ang chemistry that cannot be created.  Gabby and I always have that, no matter what,” dagdag pa ni Sharon.
Almost four decades nang hiwalay sina Sharon at Gabby pero nanatili silang magkaibigan. Nagpasalamat si Sharon kay Gabby dahil sa pagiging mabuting ama nito kay KC.
 “I will always be thankful kay Gabby na siya ang naging father of my eldest daughter KC.  I will always respect the good time that we shared,  I will always remember him fondly.”
Sa ngayon ay excited na ang mga Sharon-Gabby fans kung ano ang magiging part ni KC sa coming concert, dahil wala pang details si Mega tungkol sa mga magiging guests nila.
***                                                          
 NABAGO pala ang plano ng GMA Network na ituloy ang young love team nina Jillian Ward at Will Ashley nang gawin nila ang “Prima Donnas Book 1 & 2.”
Matagal nang friends ang dalawa dahil 2014 pa sila unang nagkasama sa GMA, kaya nag-expect ang mga fans nila na sila ang ilo-launch na love team ng Sparkle Talent agency ng GMA.
Pero naging very busy na si Jillian sa kanyang top-rating afternoon prime drama series na “Abot-Kamay na Pangarap” at si Will naman ay nagpunta pa ng Switzerland para mag-shoot ng mga eksena ng “Unbreak My Heart” na kasama niya sina Gabbi Garcia at Joshua Garcia. Kaya nagdesisyon ang network na huwag na silang i-launch as a love team.  Tanggap naman daw ni Will at mas okey din sa kanya na solo as an actor playing different roles.
Ngayon nga ay isa si Will sa regular Kapuso stars na naggi-guest sa “Regal Studio Presents” na iba-iba ang katambal.
Sa second anniversary presentation nila, si Althea Ablan na kasama rin nila ni Jillian sa “Prima Donnas,” ang katambal niya sa “Poster Boy.”
Kaya thankful si Will kay Ms. Roselle Monteverde sa trust nito sa kanya.  Nauna siyang gumanap noon sa “Mano Po 3: The Flower Sisters” sa “Regal Studio Presents.”
At ang biggest break ni Will ay nang kinuha siya muli ng Regal Films para sa isang movie na ididirek ni Adolf Alix, ang “X & Y” na isang May-December affair ang theme at makakatambal niya si Ina Raymundo.
Will just turned 21, si Ina naman ay 47 years old na.  May love scene daw sila ni Ina at ready naman si Will na gawin ito.
“Yes po, I’m really preparing myself for that.  First time ko pong gagawin ang makipag-love scene, kaya kinakabahan po ako.  But with the help of Ms. Ina at ni Direk Adolf, naniniwala po akong maitatawid namin iyon nang maayos.”
(NORA V. CALDERON)
Other News
  • Pinas walang naitalang COVID-19 surge – OCTA

    ISANG linggo matapos ang  isinagawang 2022 elections , inihayag ng OCTA Research Group na wala pang naitatalang panibagong COVID-19 surge sa bansa.     Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, na bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng bilang ng CO­VID-19 cases, ito ay bumaba rin naman. […]

  • Pangako ng DepEd, lagyan ng ‘pananggalang” ang batas na magbabalik sa mandatory ROTC

    NANGAKO ang Department of Education (DepEd)  na makikipagtulungan sa Kongreso na hindi mangyayari ang bullying sakali at maipatupad ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).     Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa, suportado ng departamento ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.   na buhayin ang programa subalit nilinaw na ang gagawing pagbabalik sa ROTC […]

  • Mandatory retirement age sa senior workers, giit alisin

    NAIS  ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na tanggalin na ang mandatory age sa pagreretiro ng mga manggagawang senior citizens sa private sector.     Isinusulong ng kan­yang House Bill (HB) 3220 na i-repeal ang compulsory age na 65 anyos na itinatakda sa Labor Code of the Phi­lippines.     Isiningit ni Ordanes […]