Maging ‘aware sa umiiral, umuusbong na mga banta
- Published on May 15, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 39 na newly promoted officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging aware sa umiiral at lumilitaw na banta laban sa bansa.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga newly promoted AFP generals at flag officers, sinabi ni Pangulong Marcos na maaaring I-jeopardize ng banta ang peace efforts ng administrasyon, pinaalalahanan niya ang mga ito sa mas mabigat na responsibilidad na kaakibat ng mga estrelya sa kanilang balikat.
“There is much still left to do, missions to accomplish, service to be selflessly rendered to the people that we have all sworn to protect with our lives,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga newly promoted officials.
“Be mindful always of the weight that that carries. After all, the load that you feel are in fact our people’s hopes. Especially now that we are at the juncture of our history where our nation faces complex security challenges.,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
Winika ng Punong Ehekutibo na ang pagtugon sa umiiral at umuusbong na mga hamon ay nangangailangan ng mapangahas na pag-inisip at matapang na aksyon ng militar , habang kumpiyansa naman niyang ipinahayag na makakaya ng mga ito na epektibong makatugon.
“This is the landscape that confronts you now. It is the security terrain that you have to address in the remaining tours of duty of your career,” aniya pa rin.
“As senior officers in our armed service, may the stars conferred upon you serve as an inspiration in performing your duties with utmost dedication, professionalism, integrity, all worthy of emulation,” dagdag na wika nito.
At bago pa tinapos ng Pangulo ang kanyang talumpati, kumpiyansang sinabi ng Pangulo na ang AFP members ay nananatiling committed sa kanilang sinumpaang salaysay na protektahan at paglingkuran ang Pilipinas at mga mamamayang Filipino. (Daris Jose)
-
PBBM, ni-renew ang commitment na gawing modernisado ang PH Marine Corps
PRAYORIDAD ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang modernisasyon ng Philippine Marine Corps. Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa 74th anniversary ng PMC na idinaos sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, araw ng Huwebes, binigyang-diin ng Pangulo ang kanyang commitment para sa isang “stronger and more comprehensive defense posture” […]
-
Huling Marcos DQ case ibinasura sa Comelec division level
DISMISSED sa First Division ng Commission on Elections (Comelec) ang huling disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang pahayag ng dibisyon, Miyerkules, kaugnay ng kasong inihain nina Margarita Salonga Salandanan, atbp. laban sa kandidatura ni Bongbong. “As it now stands, Respondent possesses all the qualifications and […]
-
Mahigit 5-K na kabahayan napautang ng PAG-IBIG Fund sa mga miyembro nito
AABOT na sa mahigit 5,000 mga kabahayan ang naipautang ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa mga minimum wage earners at low-income members. Ayon sa PAG-IBIG, na ang mayroong kabuuang 5,411 na mga socialized homes ang kanilang naipautang o na-financed mula Enero hanggang Abril 2022. Binuo ito ng […]