• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maging handa sa EL NIÑO phenomenon

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Filipino para sa whole-of-nation approach sa paglaban sa epekto ng El Niño phenomenon, inaasahan na magtatagal sa second quarter ng 2024.

 

 

Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga ahensiya ng pamahalaan na bilisan ang pagkumpleto sa mga irrigation facility at iba pang istraktura.

 

 

“We must be prepared to counter its effect, which may last until the second quarter of 2024,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa  inauguration ceremony ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Nueva Ecija.

 

 

Pinaalalahanan din ng Chief Executive ang  Department of Agriculture (DA) at ang  National Irrigation Administration (NIA) na agad na kumpletuhin ang konstruksyon ng mga irrigation facility at iba pang supporting structures base sa pangangailangan ng mga magsasakang Filipino na malamang na maapektuhan ng  dry spell.

 

 

Giit pa ng Pangulo, dapat lamang na magkapit-kamay ang pamahalaan at ang mga mamamayang  Filipino sa paghahanda para sa matinding epekto ng El Niño.

 

 

Binigyang diin ang pangangailangan na bilisan ang konstruksyon ng mga  irrigation project at iba pang proyekto na makatutulong na matugunan ang phenomenon.

 

 

Binigyan na aniya niya ang mga ahensiya ng pamahalaan ng deadline para maisakatuparan ang  lahat ng El Niño-related mitigation projects.

 

 

“Kaya’t itong ganitong klaseng proyekto ay naging mas mahalaga pa at naging mas urgent pa. Kaya’t dahil kakauntin na lang ang ating natitirang panahon … meron tayong apat na buwan para tapusin lahat ‘yan, maging operational na lahat ‘yan,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Dahil ang ginawa kong deadline para sa ating mga departamento ay kako sa kanila, ang isipin natin ano ba ‘yung kaya nating matapos by April of next year, nang sa ganun pagdating – pag Mayo ay nandiyan pa ‘yung tagtuyot at hindi pa umuulan ay mayroon naman tayong sapat na water supply,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, sinabi naman ng Department of Science and Technology (DOST) na may  65 lalawigan sa buong bansa ang maaaring maapektuhan ng potensiyal na tag-tuyot  habang may 6 na pobinsiya naman ang maaaring maapektuhan ng dry spell.  (Daris Jose)

Other News
  • SMC itutuloy ang paglalagay ng BRT system sa Skyway 3

    Itutuloy ng San Miguel Corp. (SMC) ang planong paglalagay ng bus rapid system (BRT) sa kahabaan ng elevated Skyway Stage 3 expressway.     Ngayon tapos na ang proyektong Skyway Stage 3, sinabi ng SMC na pursigudo silang ituloy ang planong paglalagay ng BRT upang mas gumanda ang paglalakbay at masuportuhan ang tuloy-tuloy na daloy […]

  • Wagi ng dalawang special awards: JILLIAN, apat ang naging escort sa ‘GMA Gala 2023’

    ANG bongga naman ni Kapuso Teen actress Jillian Ward, nang mag-attend siya ng GMA Gala 2023 sa Marriot Hotel last Saturday, July 22.       Sa halip kasing isa lamang ang escort niya, isinama niya lahat ang mga boys na kasama niya sa GMA Afteernoon drama series nilang “Abot-Kamay na Pangarap,” sina Ken Chan, mga […]

  • Roque, nagbigay-pugay sa mga guro ngayong World Teacher’s Day

    NAGBIGAY-pugay si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga guro ngayong World Teacher’s Day.   Sa katunayan, nag-tweet si Sec. Roque ng isang espesyal na mensahe ng pasasalamat para sa mga guro.   “Happy World Teacher’s Day sa lahat ng ating mga guro,” ani Sec. Roque sa kanyang official Twitter account.   Pinuri nito ang mga guro […]